Sagisag panulat: Alusema Liwayway
Sa maagang pag mulat ng mata
Ito ay basa, waring isang sapa
Pagtayo't pagharap sa salamin
Iba ang nakikita ng paningin
Sa labas ako'y iba sa amin
Iba ang tinig
Iba ang lakad
Pagdatal sa bahay ay iba rin ang larawan sa akin
Nakakapagod kung tutuusin
Tila nilililo lamang ang sarili
Ngunit ano pa nga ba ang gagawin
Ito naman ang direksyong pinili
Tagu-taguan ba ang hilig kong laruin?
Sa pagtanda tila hindi maapuhap ng taya sa amin
Maaaring dahil aparador ang laging puntahin
Sigurado, walang makakasaksi dito sa akin
Teka? Oh Diyos Ko! Ano ba ito?
Bakit hindi ko mabuksan ang pinto nito?
May kadenang nakapalibot sa aparador ko
Kailan kaya makakalabas dito
![](https://img.wattpad.com/cover/372058776-288-k706840.jpg)