Pag-asa sa Maunlad na Kinabukasan

1 0 0
                                    

Sagisag panulat: Sandia 

Mga manggagawang Pilipino,

Walang sawang nagsisikap.

Sa kanilang galing at sipag,

Nagbibigay ng serbisyong tapat.


Subalit sa likod ng kanilang tagumpay, 

Di maayos na sistema'y taglay. 

Kaya't sa bawat laban,

Buong puso'y iaalay.


Kabayaran sa pawis na di sapat, 

Sahod na kakarampot,

Kinabukasan na puno ng takot, 

Pangarap ay pilit inaabot.


Maraming hamon man ang dumating, 

Kaya natin itong lagpasan,

Dahil ang kahirapan ay hindi wakas, 

Kundi simula ng mas matibay na pagharap sa buhay.


Migrasyon ang tugon,

Sa pangarap na inaasam.

Sa lupang dayuhan,

Pilit na lumalaban.


Manggagawang handang lumisan, 

Sa pag-asang maginhawa'y matagpuan. 

Kahirapan ay maaaring lampasan, 

Pag-asa'y laging nariyan.


Sa pagkakaisa at pagtutulungan, 

Itinataguyod ang katarungan.

Sa bawat manggagawang Pilipino'y maglaan,

Ng tamang sahod, benepisyo't kalayaan.


Isyung pangmanggagawa,

Sana ay marinig,

Upang sa bansang Pilipinas,

Tagumpay ay makamit.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon