Sagisag panulat: Kiseki
Ligaya niya tila'y may maling dulot
Para bang wala sa sarili at sa tuktok ay may sapot.
Hindi na matukoy kung anong tama sa mali
Tila hindi kayang manatili at manahimik lang sa isang tabi.
Bakit nga ba alam namang mali na, ipinagpapatuloy pa?
Bakit nga ba sinasabi nila "dito namin natagpuan ang tunay na ligaya."
Panandaliang pagkalimot sa mga lungkot na nadarama,
Kasunod, paglipas naman ng tama puro problema na.
Kung hindi maisaayos saan kaya ang hantungan niya,
o may kahahantungan pa nga ba bukod sa bala?
Nakakabigla, nakakaba, nakakawindang, nakapagtataka,
kapit sa patalim para sariling saya, maidelihensiya
Maling dulot ng droga, hindi alintana,
saan man mapapadpad ay bahala na.
Walang pakielam sa kinabukasan,
basta ang kasiyahan ngayon ay matustusan.
Walang idinulot na maayos,
sasabihin "salat sa pera" tila sa biyaya ay kinakapos.
Ibinibigay ang lahat umuwi man na walang wala maski sapatos,
'di bali na. buhay ma'y matapos
Walang ibang tutulong sa 'yo na maabot ang iyong ambisyon
Makarating sa tuktok dapat ay dahil sa marangal mong pagbangon
hindi droga ang sagot sa iyong lungkot
Oras na para itama katwiran mong baluktot.
Malaking problema sa kahirapan,
sabay sabay nating wakasan
Droga, sakit sa lipunan,
Buong puso nating tuldukan.