Ika-labinglima ng Araw

3 0 0
                                    

Sagisag panulat: abeha


Sa pagpikit ng mata sa gabi,

iniisip kung magpapadala, hindi mapakali. 

Tuwing darating ang ika-15 ng buwan, 

hindi makatulog, parang hindi makahinga.


Baka bukas magpadala,

o kaya'y sa susunod na araw,

"pasensya na anak, tayo'y medyo kapos, 

ikaw na muna ang bahala."


Kayang kaya naman diskartehan,

o kaya'y ang natitirang ipon ay bawasan. 

Kaunting sakripisyo,

para sa buhay, makaraos.


Sa mga pagkakataong gustong umuwi, 

 mas nangingibabaw sa isip ang pamasahe. 

Sa susunod na linggo na lang,

ang palaging sinasabi.


Kayang kaya naman tiisin ang hindi makauwi. 

Lalo na ang pagkain, na nakakangiwi. 

Ito ay hindi na bago,

pagka't dito, ay patibayan na lamang ng puso.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon