Sagisag panulat: Secret Agent
Gutom na minsan lamang nairaraos
Isa lamang di hamak na musmos at naghihikahos
Subalit paano kikilos
Kung ang oportunidad ay kabati batikos
Oportunidad na hindi lahat ay naaatim
Lalo sa lugar na liblib animoy nasa dilim
Isang pakiramdam na laging makulimlim
Maging ang nakatataas ay sakim
Sigaw namin ay Libreng Edukasyon, Trabaho at Tulong
Sigaw namin ay maapakinggan at mapag usapan sa pulong
Dahil isa kami sa hindi uurong
Hanggang sa makamit ang nararapat kesa magpaka lulong
Batid kong marami saamin ang piniling umahon sa ibang direksyon
Direkyson na tila walang sasang ayon
Kung kaya't ang nakatataas ay dapat nang umaksyon
Imbes na puro kurapsyon
Aksyon para sa oportunidad
Aksyon para sa serbisyo na may kalidad
Upang mahikayat na umahon at umusad
Sa lipunang hindi lahat ay mapalad
Ng hindi kinakailangang kumapit sa patalim
Bagkus ay magsusumikap ng taimtim
Dahil batid nama'y hindi lang puro asa at sisi ng palihim
Gagawa din ng aksyon upang ninanais na umusad ay maatim
Bagamat talamak ang kahirapan
Nais namin ng kasagutan
Talaga nga bang hindi kami nakikita at nadadaanan?
O sadyang Gobyerno ay nagbubulagbulagan?