Sagisag panulat: Piccolo Dela Pena
Magandang Umaga,
Ang pangalan ko ay Serapina SaraPero ang tawag ng lahat sakin ay: Sara
Ako'y nandito para tumakbong kandidato
Sana maasahan ko ang inyong mga boto
Aking ilalathala ang aking platapormaat ang nauuna ay tungkol sa etika
Napansin kong dumadami ang mga bakla
At ang solusyon ko dito'y purong disiplina
Nalilito ang kabataan sa kung ano silaDahil ito sa mga liberal na media
Mapa-EB with Alan K., Showtime with Vice Ganda
Nagbibigay saya ngunit masama ang impluwensya
Isang Araw,
May nakita ako sa cctv na demonyoIto'y pumasok sa kwarto ni pareng Jojo
Nung kinabukasan ay nagulat kami
Umaming bakla si pareng "Josie"
Marapatin nating magdasal araw-arawUpang hindi maging bakla ang mga bakulaw
Turuan ang mga dalaga na magluto't maglaba
Mga binata na magpakatigas at mag-tiyaga
Nakakadiri na sila'y patuloy na dumadamiWag natin silang bigyan ng trabaho't salapi
Di yan dadami kung wala silang pambili
Ng sapatos at motor para sa kanilang mga lalaki
Bakit mo sinasabi na walang boboto sakinUmalis ka nalang at wag nang magsalita
Aray, kahit batuhin mo pa ko ng bato at basura
Hindi mo matatalo ang hiling ng masa
Nakikita kong maraming tumatayo't umaalisPag ako naging kapitan di ko kayo tutulungan
Mahal na mahal ko kayong mga sumusuporta
Pag ako nanalo, ang inyong buwis ay mababawasan
Pagkatapos,
Nung tapos na ang pulong bayanAko'y umuwi at natulog sa duyan
Nanaginip ako tungkol sa nakaraan
Aking kaibigan, aksidente kong nahalikan
Kumalat na bakla daw kami, na kami'y nakakadiriBaka hindi lang daw ang pang-itaas na labi
Araw araw ay puro masasakit na salita
Gabi gabi ay napapagalitan ni mama at papa
At dumating ang araw na kami'y pinagtulungan, hinubaran at sa gate ay tinaliSinabit kaming magkatabi gamit ang kaninang suot na damit at panti
Para kaming si Hesus na nananagutan para sa mga hindi namin ginawang kasalanan
Pabalik-balik sa aking panaginip kahit gusto ko na makalimutan.
Paseniya na't medyo nawal ang aking hinahon.
Ang kabaklaan ay nagdudulot ng kasamaanKaya aking gustong protektahan ang bayan
sa mga masasakit na salita at pang-aalipusta
Na iyong mararanasan pag nalamang ika'y bakla
![](https://img.wattpad.com/cover/372058776-288-k706840.jpg)