Tinig ng Bahaghari

1 0 0
                                    

Sagisag panulat: Scarlet Chase


Sa ilalim ng langit na kay rikit,

May bahagharing sumisilip.

Tinig ng bahaghari, wag na sanang ipagkait,

Pagmamahal nila'y wagas, walang kapalit.


Sa bawat kulay, may kwentong natatangi,

Lahat ay may karapatang ipagmalaki't ipagbunyi.

Ang puso'y hindi nalilito, hindi nagwawagi,

Sa mundong pantay-pantay, lahat ay magpupunyagi.


Ang pag-ibig nila'y tulad ng atin,

Walang hanggan, walang alinlangan.

Sa bisig ng isa't isa, tunay na tahanan,

Sa lipunan, sila'y bahagi ng kwentong mahalaga.


Ang bawat hakbang ay isang pag-asa,

Ang bawat araw, bagong simula.

Sa pagyakap ng mundo, sa kanila'y may pag-asa,

Bahagharing tinig, sa wakas, magpapatuloy na.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon