Chapter 04

49.9K 525 26
                                    

Emieleen

“Okay. Class dismissed.” Nang marinig kong sinabi ‘yon ng teacher namin, agad ko nang inayos ang gamit ko. Maaga pala kaming pina-uwi kasi may meeting daw sila tungkol sa....basta! Di ako nakinig kanina kaya bahala na!

“Pero pumayag ba si Kean na tapusin mo yung V List mo?” tanong ni Simply. Naglalakad kami ngayon papunta lang sa kahit saan kami dalhin ng paa namin.

“Ewan. Siguro. Baka hindi. Pero parang oo.” I shrugged.

“Ano ba talaga?!”

“Malay ko! Eh kasi naman hindi ko siyang narinig sumagot, eh! Iniwan niya nalang ako mag-isa kahapon.”

“May topak rin pala yung isang yun ‘no?” nako Simply, oo. Malakas. “Sayang pogi pa naman.”

“Oo, pogi siya. Pero....turn off yun, ha. Yung mga lalaking makikitid ang utak at bastos kausap at,” lumapit ako kay Simply at bumulong. “...pervert.”

Sumang-ayon naman sa akin si Simply pero halatang napilitan lang.

  

Mayamaya pa ay nagpaalam na sa akin si Simply. Kailangan niya raw kasi umuwi ng maaga dahil tambak ang school works niya. Psh, may date lang siguro ‘yun kaya nagkaka ganon.

Pumunta ako sa locker ko. Buti nalang at maaga kaming pinauwi. Siguro magpapahangin na lang muna ako sa labas bago puntahan si Mama. Kailangan ko rin kasi makapag-isip-isip.

Binuksan ko na ang locker ko at nagulat ako ng biglang may sticky note na nakadikit na color blue sa pinto ng locker ko. Binasa ko ito.

            3:00pm. Sa labas ng gate. Hihintayin kita.

            —Kean slash pogi.

Pagkatapos kong asikasuhin ang lahat ng dapat kong asikasuhin, saka lang ako nagkaroon ng time para puntahan si Kean sa labas ng gate. Nagmamadali na nga ako eh. Ano nanaman kaya ang binabalak niya?

“You're late.” bungad niya sa akin.

Napatingin ako sa relo ko. 3:01 pm palang naman. One minute lang ako late! “Arte mo. Buti nga pumunta pa ako eh.”

“Whatever.” hinawakan niya ang wrist ko. “Come.”

 At bigla niya nalang ako pinapasok sa kotse niya. Grabe, sabi na nga ba at may gagawin nanaman siyang something!

“O-oy! Teka, saan mo ko dadalhin?” natataranta kong tanong. Kikidnapin na ba ako nito?!

Virginity ListWhere stories live. Discover now