Chapter 18

36.2K 377 104
                                    

Ch. 18 | Rest in Peace

[Emieleen's POV]

"I heard what happened...." hinihingal na sabi niya.

"K-Kier..." tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya bigla. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. Basta ang alam ko lang, sobrang lungkot ko ngayon at nagpapasalamat ako dahil dumating siya.

"Kier...si Mama...." bulong ko habang umiiyak. Naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik.

"Magiging okay siya, Emi. Maniwala ka."

"Paano pag hindi? Paano kung...hanggang dito nalang lahat---"

"Sshh. Mahaba pa Emieleen, mahaba pa."

Alam kong hindi tama ang nag-iisip ng negtive sa mga panahong dapat kang maging positive pero, wala eh. Mahirap talaga. Lalo na kung alam mong wala nang pag-asa. 

Umupo kaming tatlo nila Simply at Kier ng mga limang oras habang hinihintay na lumabas yung doctor. Habang nakaupo kami, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Lord, please.

Sobrang daming emotion at bagay ang pumapasok sa isip ko ngayon at pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko dahil naguguluhan na ko. Bakit ngayon pa.

Lord, kahit ano gagawin ko para kay Mama. Mahal na mahal ko po siya.

Pero kung ano mang plano mo sa amin, tatanggapin ko. Pipilitin kong tanggapin.

"Doc!" agad-agaran akong tumakbo papalapit sa kanya. "Ano pong nangyari kay Mama? Ano na pong lagay niya? Okay na po ba siya?" Sunod-sunod kong tanong. Nung tinanong ko yun, halo halo yung mga emosyon ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Hija, hindi ko alam kung paano ko sasabihin to sayo..." huminga ng malalim ang doctor. Sa mga oras na yun, medyo kinabahan na ako. Pariramdam ko may hindi magandang mangyayari.

"...pero bilang na lang ang mga oras ng Mama mo."

Virginity ListWhere stories live. Discover now