Chapter 16

38K 374 48
                                    

-       Emieleen’s Point of View -  

“Ah sige po, thank you po.” Kakalabas ko lang sa pang-limang building na pinasukan ko para maghanap ng trabaho. Pero  syempre, dahil mahirap na ang buhay ngayon, wala pa rin akong mahanap.

Gusto ko kasi sanang magkaroon ng part-time job para naman kahit hindi na mag-trabaho si Mama pagkatapos ng orperation niya, kaya ko nang pag-aralin ang sarili ko. Ilang months nalang kasi mag-college na ako.

“Sir,” pumasok ulit ako sa isang restaurant. “Tanong ko lang po kung kailangan niyo ng isang pang employee? Kahit waiter lang po.”

“Ah sorry miss pero kakatapos lang naming maghire ng mga bagong waiters dito eh.”

“Ganun po ba....” medyo na-dissapoint naman ako dun. “Sige po, thank you nalang po.”

Sayang. Pero hindi naman ako naiinis. Late na kasi ako masyado eh. Kasalanan ko tuloy. Pero diba pwede naman akong mag-apply sa scholarship sa kung anong university ang gusto ko? Oo, pwede. Yun nalang ang gagawin ko! 

Kaso, kulang pa rin eh. College na ako next year, for sure maraming bayaran! Sa umpisa palang, yung mga school supplies. Rent para dun sa tinitirhan namin. Pagkain para sa araw-araw. Ughh, ang hirap talaga.

 Narinig kong tumutunog na yung tyan ko dahil sa gutom. Napaupo nalang ako saglit dun sa isang gilid. Nakakainis, hindi pa pala ako kumakain.

Tinignan ko yung wallet ko. At isang bente pesos lang ang nakita ko. Gagastusin ko pa ba? Wag  nalang muna. Mamaya na. Titiisin ko nalang muna tong gutom ko. Kailangan ko pa kasing makahanap ng trabaho.

Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad ulit. Papaliko palang sana ako nang biglang may nagtakip ng bibig ko at hinila ako papunta dun sa isang pader.

“Kier?”

 

“Wag kang maingay, kailangan nating tumakas dito.”

“Huh?”

 

“Paparating na sila.” Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Kier. Parating? Ang alin? I mean, sino?

“Sino?”

 

“Ang mga....unicorns.

Tinulak ko siya ng mahina. “Ewan ko sayo. Ano ba naman yang pinagsasabi mo.” Natawa naman ako dun. Medyo maloko rin naman pala tong si Kier eh.

“Ano bang ginagawa mo dito?” tanong ko. Pero imbis na sumagot siya eh bigla niya lang akong sinuutan ng helmet sa ulo at ngumiti. 

Virginity ListOn viuen les histories. Descobreix ara