Chapter 20

35.2K 341 49
                                    

Ch. 20 ||

[Emieleen's POV]

"Class dissmised."

Nung moment na sinabi yun ng prof namin, agad-agad na tumayo yung mga kaklase ko at sabay-sabay na lumabas sa classroom.

Hindi muna ako tumayo at umupo muna. Hindi man lang sila nagsabi ng Goodbye and Thank you? Alam kong dapat masanay na ako kasi ganito sa college, pero hindi eh. Nakakapanibago talaga.

Nung wala nang ibang tao, dun ko na kinuha yung bag ko at tumayo na.

Bago ako lumabas sa pinto, nilapitan ko yung prof namin na kasalukuyang inaayos yung mga papers sa table niya. 

"Thank you, Sir. Bye po." ngumiti ako at nag-bow sa kanya.

Pumunta muna ako salocker at naglagay ng mga gamit ko at dumiretso na ako sa canteen. Nagugutom na ako. T___T

Tsaka excited pa naman akong kumain ngayon kasi medyo may sumobra sa pera ko kaya mas marami akong mabibiling pagkain. *u* Nag-overtime kasi ako nung isang araw eh. Kaya ngayon, tadaaa!

Tuwang-tuwa akong tumingin sa menun ng cafeteria namin. Uy! Tamang-tama, may spaghetti! Sorry, mahilig lang talaga kasi ako sa spaghetti. Tsaka ang tagal ko na kasing hindi nakakatikim nun eh.

"Thank you po." ngumiti ako dun sa babaeng nag-abot sakin ng spaghetti. "Eto pala po yung bayad."

Papaalis na sana ako nung may bigla akong na-realize. Parang may kulang?

"Tita," Tita ang tawag ko sa mga nakatatanda sakin. "Isang iced tea pa pala po."

Nung makabili na ako ng iced tea, pinatong ko na yun sa tray na hawak ko. Hmm, saan naman kaya ako uupo ngayon? Eh mukhang punong-puno na ng tao dito sa cefeteria eh. Lahat ng tables, occupied na.

Huhu wag naman sana, excited pa naman akong kumain. T__T

Hinde! Meron pa yan, Emi! Meron pa! Hanap ka lang! Maglakad-lakad ka lang ng konti, may mahahanap ka pa! >__<

Virginity ListWhere stories live. Discover now