Chapter 15

38.7K 374 26
                                    

H-hindi na siya b-babalik?” tanong ko.

“I think so.” sagot ni Mason at bumalik na ulit sa taas. Kinuha niya lang pala yung charger ng phone niya kaya siya bumaba.

Medyo nalungkot ako sa narinig at nalaman ko. For good? Bakit hindi niya man lang sinabi sakin ng mas maaga? Bakit kailangang biglaan pa?

 **

-       Kier’s Point of View - 

“Oy oy, wag mong titigan masyado! Baka matunaw yan!” bulong na pang-aasar sakin ni Aki.

“H-ha? Anong tinitignan ka dyan?! Di kaya!”

“Sauce.” Ketchup.

Si Emieleen yung tinutukoy nila. Masyado ko daw kasing tinititigan siya habang kumakain. Di naman eh!

(Author: Hoy be honest nga!)

Oo na, oo na. Medyo tinitignan ko nga siya.

(Author: Hoy!) 

Oo na! Oo nga! Tinititigan ko na! Happy? Eh bakit kasalanan ko bang sobrang ganda niya sa personal at sa malapitan?

Nung una kasi sa malayo ko lang siya nakikita pero ngayon...nasa harap ko na siya mismo at ang ganda niya. Para siya painting na buhay na manika na...basta sobrang ganda niya. Yun nalang ang masasabi ko. 

“May...dumi ba yung mukha ko?” biglang bumalik sa katawan ko yung kaluluwa ko nang bigla niya akong tanungin ng ganun.

 Asdfghjkl. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya! Feeling ko sobrang namumula na ako ngayon dahil sa pagkataranta.

“Oo nga, Kier! May dumi ba sa mukha si Emi kaya mo siya KANINA PA tinitignan?” isa pa to. Pang-asar talaga ‘tong mga kaibigan ko. In-emphasize pa talaga yung kanina pa.

“A-ah, wala. Wala naman.” Nakakahiya naman! Ngumiti nalang ako ng pilit para hindi halata ang pagkahiya ko ngayon.

Pagkatapos niyang kumain dun, hindi ko na alam kung saan siya nagpunta. Nag-Facebook muna kasi ako eh, kaya hindi ko muna siya natignan, haha.

“Mars!” tawag ko kay Marvelous. 

“Ano?”

“Si Emieleen?” Bigla siyang ngumiti ng nakakaloko at halatang nilalagyan ng malisya yung paghahanap ko kay Emieleen. 

Virginity ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon