Chapter 32

23.5K 368 110
                                    

CHAPTER 32

 

 

 

 

[Emieleen’s POV]

 

 

“Ikaw talagang lalaki ka. Ang daming gulo ang pinapasukan mo.” Bulong ko kay Kean habang pinagmamasdan siyang matulog. Puro band-aid siya dahil sa mga sugat na nakuha niya sa mga suntok ni Kier kanina. “Pero kahit na ganyan ka…mahal pa rin kita.”

 

Ewan ko ba.

Kahit anong mangyari, bumabalik pa rin ako kay Kean.

Napag-isip-isip ko rin yung mga sinabi ni Nathasia kanina, siguro nga tama siya. Siguro nga may mga bagay na hindi ko alam.

Pero diba, para maintindihan ko, dapat ipaliwanag nila! Sobrang naguguluhan na kasi ako. Punong-puno na ng mga negative thoughts ang utak ko. Ayoko na.

Ayoko nang mag-overthink…

 

 

Tumayo na ako at iiwan na sana ulit si Kean dahil alam kong wala na rin ‘tong patutunguhan nang bigla niya nalang hinawakan ang kanang kamay ko at hinila patabi sa kanya, sa kama.

Bugbog-sarado na siya tapos nakaya niya pa akong mahila ng ganun? Paano niya kaya nagawa yun?

At dahil nga sa sobrang unexpected ng ginawa niya, hindi ko naihanda ang sarili ko kaya madali niya lang din akong nahila patabi sa kanya.

“K-Kean ano ba…” bulong ko.

“Kahit saglit lang, Emi…please.”

Yung boses niya, sobrang sincere, kaya ano pa bang magagawa ko? Edi pumayag ako. Saglit lang naman….

“I love you…” bulong niya sa akin habang nakayakap pa at nakapikit.

Hindi ako makagalaw.

Hindi ako maka-imik. Sobrang kinakabahan ako na masaya na malungkot na ewan.

“Hindi mo alam ang sinasabi mo.”

“Of course I do.”

Tss, eto nanaman tayo eh. “Magpahinga ka na nga lang dyan.” Tumayo na ako dahil nga wala na rin namang mangyayari.

Virginity ListNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ