Chapter 19

34.6K 344 60
                                    

Ch. 19 | New Life

[Emieleen's POV]

"Mama, doctor po yung kinuha kong course sa college." sabi ko.

Humangin bigla.

Alam kong si Mama yun. Nandito siya. Binabantayan niya ako.

"Kumusta ka na Ma? Ayos ka lang ba dyan?" napangiti ako. "Hay, kahit ano namang mangyari alam kong okay ka lang dyan eh. Alam kong kasama mo dyan ngayon si Papa Jesus."

Nilagay ko yung bulaklak sa puntod ni Mama. 2nd Death Anniversary niya kasi ngayon. Dalawang taon na pala...

Aaminin ko, hindi naging madali ang lahat ng bagay mula nung mawala si Mama.

Lagi kong tinatanong sa sarili ko, bakit lahat nalang ng importanteng tao sa buhay ko, nawawala?

Una si Kean

Oo aaminin ko, malaki ang ginampanan niyang parte sa buhay ko. Kahit na lagi akong naiinis sa kanya, hindi ko ba alam pero kahit dalawang taon na siyang wala, hindi ko pa rin siya nakakalimutan.

Umaasa ako na sa bawat paggising ko eh makikita ko nalang siya bigla na naglalakad dyan sa gilid-gilid.  

Pero tulad ng inaasahan, wala pa rin.

Nung nawala si Kean, nawala na rin si Mama.

The person who gave birth to be was gone...

Sobrang sakin pero kailangan kong tanggapin. Katulad nga ng pinangako ko kay Mama, ipagpapatuloy ko yung mga pangarap ko kahit na wala siya.

She'll be my inspiration.

Si Papa? Ayun.

Pumunta sa probinsya nila. Sabi niya sakin, dun nalang daw siya magta-trabaho. Kaya ayun, naiwan ako ditong mag-isa.

Tsaka syempre pinagpatuloy ko rin muna yung trabaho ko sa Coffee Shop. Kailangan ko maging working-student para mapag-aral ang sarili ko.

Virginity ListWhere stories live. Discover now