chapter 3

4.2K 82 0
                                    

Mahigit dalawang linggo na rin na araw-araw silang magkasamang lumalabas, katulad ngayon magkasama silang nanunood ng sine, hindi naman talaga niya naiintindihan ang pinapanood nila, dahil nadi-distract siya ng presence ni Alex, pero hindi siya nagpapahalata, kunwari ay focus na focus siya sa kanilang pinapanood. Maya-maya ay nagulat na lang siya ng iangat ni Alex ang braso niya at sumiksik ito sa dibdib niya. Napatingin tuloy siya dito.

"Are you cold?" Puno ng concern na tanong niya dito.

"Yeah, i-hug mo muna ako, ha."

"Okey, wait lang." Aniya na bahagya itong inilayo sa katawan niya.

Hinubad niya ang kanyang coat at ipinasuot niya dito. Naka uniform naman kasi siya kaya hindi masyadong malamig ang suot niya, e ito naka see-through na sleeveless kaya nilalamig. Nang maisuot nito ang coat niya ay muli itong humilig sa dibdib niya, kaya naman inakbayan niya ito. Sa mga ganitong pagkakataon ay hindi niya mapigilan na ipakita dito na ito ay mahal niya, kaya naman nakapagpasya na siya, liligawan na niya ito. Hanggang sa matapos ang pelikula, at makalabas sila ng sinehan ay nakaakbay pa rin siya dito, at ito naman ay nakayapos ang isang braso sa bewang niya, para lang silang mag girlfriend na nagdi-date.

Kumain sila sa isang middle class resturant, at doon niya naisip na magsabi na dito ng kanyang nararamdaman.

"May sasabihin ako sayo." Paninimula niya.

"What is it?" Tanong nito, habang tuloy lang ito sa pagkain.

Kinuha niya ang kamay nitong may hawak na tinidor, binitiwan naman nito iyon.

"Alex, I like you." Lakas loob niyang paglalahad.

Ngumiti ito sa kanya, at pinisil ang kanyang palad na nakahawak sa pa rin sa kamay nito.

"Okey, then from now on girlfriend mo na ako."

Kay saya niya ng marinig ang sinabi nito, hindi na niya inintindi na parang ang bilis naman nitong pumayag at wala itong sinabi tungkol sa damdamin nito sa kanya. Nakalimutan na niya ang mahahalagang bagay na iyon dahil sa pagkalunod niya sa kasiyahan.

Nang nasa kotse na sila ay panay-panay ang tunog ng cellphone nito, pero muli hindi na niya iyon pinansin, ang mahalaga sa kanya ngayon ay 'official girlfriend' na niya ang babaeng ito na mahal na mahal niya. Bago umibis ng kotse niya si Alex ay hinalikan niya ito.

"Good night, Baby." Paanas niyang sabi ng maghiwalay ang mga labi nila.

"Good night, ingat ka." Yun lang at umibis na ito ng tuluyan sa kanyang kotse.

Pag-uwi niya sa kanyang apartment ay agad niyang hinagilap ang kanyang cellphone para tawagan si Alex, nakita niya ang
11 missed calls ng Mama niya, pero hindi niya muna pinansin iyon, bagkus ay hinanap niya sa kanyang phonebook ang pangalan ni Alex, at ito ang tinawagan niya, pero hindi niya ito ma contact, busy ang number nito, ilang ulit pa niyang sinubukan na tawagan ito ngunit busy tone pa rin talaga ang sumasagot sa kanya, kaya naman nag return call na lang siya sa kanyang Mama.

"Mama?" Bungad niya ng mag-'hello' ito.

"Aba'y buti naman at naisipan mo akong tawagan, ilang linggo mo ng hindi sinasagot ang mga tawag ko ah!"

Oo nga naman, sa sobra niyang pagkahibang kay Alex ay nakalimutan na niya ang kanyang sariling Ina.

"At saka bakit hindi ka na naman umuwi ng dalawang magkasunod na weekend? Aba'y ilang beses ka ng tinatanong ni Lito sa akin."

Ang Lito na tinutukoy nito ay kanyang kababata at manliligaw na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sa kanya.

"Hoy, Melissa ano ba at hindi ka na umimik diyan?"

Miss Mel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon