chapter 9

2.9K 67 2
                                    

Kinabukasan ay inilabas din siya ng Mommy niya sa ospital dahil okey naman na daw siya ayon na din sa kanyang Doctor. Pagdating nila sa bahay ay agad na siyang inihatid ng Mommy niya sa kanyang kwarto para magpahinga. Nang nakahiga na siya sa kanyang kama at nag-iisa na siya ay naalala niya si Mel, she was about to go to Mel nung time na naaksidente siya. Alam niyang tinanggal na ito sa STU at kasalukuyang nakakulong dahil sa sandamakmak na mga kaso na isinampa ng Dad niya dito at ang lalo pang nakasakit dito ay ang pagkakatanggal ng lisensya nito bilang teacher. Awang-awa siya kay Mel at kahit siguro ano ay gagawin niya para lang maisalba ito. Naputol ang pag-iisip niya ng marinig niya ang malakas na boses ng Daddy niya mukhang may kaaway ito. Udyok ng curiosity ay bumangon siya at tinungo ang pinto binuksan niya iyon at lumabas. Nang nasa may hagdan na siya ay lalong lumakas ang mga boses na naririnig niya at parang pamilyar ang boses ng taong kasagutan ng kanyang Ama. Nang ilang hakbang na lang siya patungo sa huling baitang ay natanaw niya ang Dad niya at ang pigura ng tao na kausap nito na nakaluhod at nakayukyok ang ulo sa paanan mismo ng Daddy niya. The person seems to be asking- no asking is not the right word, begging for something ngunit tila matigas ang loob ng kanyang Ama ni hindi tumitinag ang ekspresyon ng mukha nito. At last tumunghay din ang pigura at nakatingalang hinarap ang Daddy niya.

"Parang awa na po ninyo, Senator Ferrer iurong na po ninyo ang demanda sa anak ko! Para na ninyong awa! Kahit po ano ay gagawin ko kahit pa ho alilain ninyo ako!" Ang umiiyak na sabi saka muling yumukyok sa paanan ng Senador.

"Pinal na desisyon ko, Mrs. Montes!" May pinalidad na sabi ng Senador. "Makakaalis ka na!" Matigas na sabi nito saka tumalikod na.

Hindi niya inaasahan ang susunod na gagawin nito kaya napatda siya ng yakapin nito ang binti ng kanyang Ama at saka muling nagmakaawa ngunit mas ikinapatda niya ang ginawa ng kanyang Ama. Itinulak nito ang kaawa-awang babae gamit ang paa tila nga tadyak na iyon dahil sa lakas na halos ikahiga ng babae sa marmol na sahig. Hindi na siya nakatiis patakbo niyang nilapitan ang Mama ni Mel tinulungan niya itong makatayo gamit ang isa niyang kamay na walang injury.

"Tama na po, Tita!" Aniya sa ginang.

Tumingin sa kanya ang Ginang saka lalong umiyak.

"Parang awa mo na, Alex pakiusapan mo ang Daddy mo na iurong na ang demanda kay Melissa. Higit kanino man ay ikaw lamang ang nakakaalam ng totoo!"

Sobrang habag ang nararamdaman niya sa Ginang na ito na handang gawin ang lahat para sa anak kesihodang lumuhod pa ito sa ama niya na tila wala man lang habag sa katawan.

"Tutulungan mo siya di ba?" Puno ng pag-asa ang mga mata nitong tila balon na patuloy pa rin na binubukalan ng luha.

Napaiyak na din siya saka siya tumango kahit pa nga hindi niya alam kung paano niyang mapapagbago ang desisyon ng kanyang ama. Yumakap sa kanya ang Ginang saka nagpasalamat kahit pa nga pag-asa pa lang ang naiibigay niya dito ay tila napakalaking bagay na niyon.

"Umalis na kayo, Mrs. Montes! Kung ayaw ninyong pati kayo ay ipakulong ko!" Madiing taboy ng kanyang ama dito.

"You can't do that, Dad!"

"And why not? This is my house at pwede ko siyang kasuhan ng trespassing para magkasama na sila ng kanyang mahal na anak!"

"Napakasama mo!" Galit na sabi niya dito.

Hindi ito sumagot bagkus ay tinawag nito ang mga bodyguards nito.

"Guzman at Salcedo, dalhin nyo na si Alex sa kanyang kwarto!" Utos nito sa dalawang bodyguard na agad namang tumalima sa utos ng amo. "At kayong apat itapon na ninyo sa labas ang 'basurang' iyan!" Tukoy nito sa Mama ni Mel.

"Tita Minia, wag po kayong mag-alala! Gagawin ko po ang ipinangako ko sa inyo!" Aniya habang siya ay nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng mga tauhan ng kanyang Ama.

At kahit pakaladkad itong hila ng mga bodyguards ng kanyang ama ay nakuha pa nitong ngumiti sa kanya. Nang tuluyan ng makalabas ang mga ito ay malakas niyang ipiniksi ang mga kamay nina Guzman at Salcedo pinakawalan naman siya ng mga ito dahil sa senyas ng ama niya. Tinapunan niya ng masamang tingin ang ama.

"Wag mo akong tingnan ng ganya, Alexandrea!"

"Napakasama mo, Dad!"

"I'm just doing this for you, Alex! Kaya kahit magalit ka pa sa akin ay ilalayo pa din kita sa mag inang-"

Hindi na niya hinintay na matapos nito ang sinasabi sa kanya agad na niya itong tinalikuran, umakyat na siya ulit at doon sa kwarto niya siya ay nagkulong maghapon. Hindi siya lumalabas kahit na siya ay tinatawag para kumain. Nag-iisip siya ng paraan kung paano niya maiiligtas si Mel at bago naman tumilaok ang mga manok ay nakagawa na siya ng desisyon.

One p.m. ang scedule niya patungong Australia. Alas-nuebe ng puntahan niya ang Ama sa tanggapan nito.

"Why are you here?" Ang tanong nito na hindi man lang nag-abalang tapunan siya ng tingin. Nakatungo lang ito at nagbabasa ng kung ano.

"Gusto kong iatras mo na ang mga kasong isinampa mo kay Mel!"

"At bakit ko naman gagawin iyon?"

Alam niya na ito ang taong hindi nagbibigay ng pabor ng walang kapalit.

"In return, susundin ko ang lahat ng gusto mo, Dad! Pupunta ako sa Australia, tatapusin ko ang pag-aaral ko, aayusin ko na ang buhay ko, at higit sa lahat… hinding-hindi na ako makikipag-communicate sa mga taong may kaugnayan kay Mel at lalong-lalo na sa kanya mismo!" Handa naman niyang tuparin ang mga sinabi niya dito basta lamang gawin din nito ang hinihingi niya.

Tumunghay ito sa kanya at tinitigan siya nito ng matagal. Siya naman ay lihim na nananalangin na sana ay sapat na dito ang mga sinabi niya para sa kapalit na hinihingi niya mula dito. Inalis nito ang tingin sa kanya saka hinagilap nito ang telepono na nasa lamesa nito tapos ay dumayal ito doon, para namang gusto na niyang mawalan ng pag-asa ngunit nagliwanag ang mukha niya ng kanyang marinig ang pakikipag-usap nito sa kung sino.

"Yes, Attorney! Gusto ko nang ayusin mo ang mga kailangan para sa paglaya ni Miss Melissa Montes… Tama! Iniuurong ko na nga ang demanda ko sa kanya!… Okey, sige!… Salamat!" Yun lang at ibinaba na nito ang telepono.

Unti-unti namang humugis ang ngiti sa labi niya kasabay ng pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Lumapit siya sa ama at niyakap niya ito mula sa likod.

"Thanks, Dad!"

Tinapik-tapik lang ng Senador ang braso niyang nakayakap sa batok nito.

FIVE YEARS LATER
Naging maayos ang buhay niya sa Australia. Natapos niya ang kanyang Business Management course, (nag-shift kasi siya.) Ngayon nga ay papasok na siya sa kumpanyang pag-aari ng Auntie Sol niya, nag-iisang kapatid ng Dad niya. Pasakay na sana siya ng kanyang kotse ng may tumawag sa kanya. Lumingon siya upang alamin kung sino ang tumawag sa kanya. Isang pamilyar na babae ang kanyang nalingunganan.

Miss Mel (Completed)Where stories live. Discover now