chapter 8

2.8K 61 0
                                    

Marianne's POV
Totoo ang lahat ng mga sinabi sa kanya ni Arabella, naghihiganti talaga siya kay Melissa Montes.

At bumalik sa nakaraan ang kanyang isip.

"You are a living proof of an idiot!"

"Miss?"

"See you again next semester, Miss Marianne Linatoc!" May pinalidad na sabi nito.

Wala siyang nagawa kundi ang lumabas sa klase nito. Dinig pa niya ang huling sinabi nito na ikinatawa ng mga kaklase niya. Nang sumunod na semestre ay ganoon na ulit ang nangyari umulit siya ulit ng dalawang subject nito. Nang sumunod na taon ay ganoon ulit. Sa ngayon nga ay paapat na niyang take ng mga subjects nito kaya naman sobra na ang galit niya dito at si Alex Ferrer ang naisip niyang gamitin dahil sa una pa lang ay mabigat na ang dugo niya dito. Naiinggit siya dito dahil mas maganda ito sa kanya, mas mayaman, mas sikat pa sa kanya, at higit sa lahat ay minamahal ito ng nag-iisang lalaki na kanyang minamahal, ang 'pinsan' niyang si Simon.

Sa isip niya pag nasira niya ang reputasyon at napatanggal niya sa trabaho si Miss Mel ay makakapasa na siya sa History at Phil. Lit. at pag nalaman naman ni Simon ang baho ng babaeng gusto nito ay mababaling na sa kanya ang atenson nito.

"What a perfect ending!" Aniya saka tumawa ng pagak.

=====================
Mel's POV
Kahit hindi niya ipinasabi sa kanyang Mama ay nalaman pa rin nito ang nangyari sa kanya sa kadahilanang laman siya ng lahat ng mga balita sa lahat ng network.

"Melissa, anak?" Lumuluhang tawag sa kanya ng kanyang Mama.

Linapitan niya ito at nagyakap sila ng may nakapagitang rehas dahil hindi siya hinahayaang lumabas daw muna. May katagalan din sila sa ganoong posisyon at ng magbitaw sila ay parehas tigmak ng luha ang kanilang mga mata at pisngi.

"Patawarin nyo po ako, Mama."

Tumango ito saka bahagyang pinunasan ng palad ang kanyang mga luha.

"Alam ko naman kung ano ka talaga anak."

Naguluhan siya sa kung ano ang ibig sabihin ng kanyang ina.

"Oo, anak alam ko ang pagiging iba mo."

"Paanong-"

"Anak kita, Melissa! Kaya bawat galaw mo, bawat pintig ng puso mo ay alam ko." Paliwanag nito. "Tanggap ko kung ano ka man. Hindi kita hinusgahan at kahit ngayon ay hinding-hindi kita iiwanan. Ilalaban kita upang ika'y makalaya!"

Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin… she's speechless. Nang muli siyang kabigin ng ina upang yakapin ay napahagulhol na lang siya ng iyak.

"Shhh! Wag ka ng umiyak! Pangako ko anak, gagawin ko ang lahat para makalaya ka!" Anito habang hinahagod ang kanyang likod.

=====================
Alex POV
"Dad, that's unfair!" Hindi niya mapigilang magtaas ng boses sa kanyang ama.

"No, Iha! I'm doing this for you! I want to save your reputation!"

"No, Dad! You are saving your reputation!"

"Whatever!" Anito saka ikinumpas ang kamay tanda na tapos na ang pag-uusap nila.

Nagpupuyos ang kalooban niya ng lumabas siya ng opisina nito sa kanilang mansyon. Agad siyang lumabas ng bahay at nagtungo sa garahe. Sakay na siya ng kanyang big bike ng pigilan siya ng mga gwardya at bodyguards na nakakalat sa kanilang bakuran.

"Senyorita, hindi po kayo maaaring umalis!" Magalang na awat sa kanya ng head security ng kanyang Ama.

"Why not?" Asik niya dito.

"Mahigpit pong ipinagbabawal ng Daddy ninyo!" Matiyagang paliwanag nito.

"No one can tell me what to do!" Aniya sabay istart niya ng motor.

Pinaarangkada na niya iyon ngunit hindi talaga binuksan ng mga ito ang malaking gate kaya huli na upang siya ay mag preno. Bumangga sa magara at matibay na gate ang kanyang big bike natumba iyon at nadaganan ang kaliwa niyang binti, sumigid doon ang sakit at ng hindi na niya makayanan ay napapikit na lamang siya at tuluyan ng wala siyang namalayan.

Nagising siya na nananakit ang buong katawan lalo na ang kaliwang bahagi niyon kumikirot din ang kanyang ulo. Hindi niya malaman kung bakit iyon nangyayari sa kanya ngunit ng ilibot niya ang tingin at natanto niya na siya ay nasa ospital ay naalala na niya kung ano ang nangyari sa kanya.

"Oh my God, Alex! At last your finally awake! Nagugutom ka ba? Anong gusto mong kainin?" Dire-diretsong sabi at tanong ng kanyang Mommy na kapapasok lang.

"Mom?" Tanggi niyang nasabi.

"Yes, Iha? May masakit ba sayo? Sandali at tatawag ako ng Doctor!"

Bago pa man siya makasagot ay napindot na nito ang intercom na marahil ay kunektado sa nurse station at hindi nga naglipat ang sandali ay may pumasok ng Doctor at ilang mga nurse. Ilang sandali siyang sinuri ng Doctor at ng mga kasama nito bago hinarap ang Mommy niya.

"There's nothing to worry, Mrs. Ferrer! Alex is very fine!" Nakangiting sabi nito sa Ginang.

"Thanks, God!"

"You see, Anastasha! Your daughter is okey! Kaya tuloy pa rin ang pag-alis niya the day after tomorrow!" Malamig na sabi ng Dad niya na hindi niya namalayang nandoon din pala.

"You are being to harsh to our daughter, Menandro!"

"That's the right treatment for a rebel teenage like her!"

Nag-excuse na ang Doctor at ang mga kasama nito na tila sila pa ang napahiya sa pagpapalitan ng salita ng kanyang mga magulang.

"Kung hindi mo kayang pakitaan ng maganda ngayon ang anak mo ay mabuti pang umalis ka na lang muna!" Anang kanyang Mommy.

"Alexandrea, magpalakas ka na dahil tuloy ang flight mo papuntang Australia!"

Hindi concern ang mababakas sa tinig nito kundi pag-uutos. Iyon ang iniwan nito bago tuluyang lumabas ng kanyang silid.

"Don't mind him, baby!" Nakangiting sabi ng Mommy niya.

Nginitian niya lang ito bilang assurance.

Miss Mel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon