chapter 6

3.3K 68 0
                                    

Sa bus ay nakaupo siya sa pandalawahang upuan may katabi siyang Ale pero hindi niya ito pinapansin. Puno ng sari-saring emosyon ang kanyang puso at iba-iba ang tumatakbo sa kanyang isipan. Labis siyang nasaktan sa nakita niyang tagpo nina Mel at nung lalaki na nakilala niya sa pangalang Lito. Napag-alaman niya sa Mama ni Mel na kababata at masugid na manliligaw ito ni Mel kaya lalo pa siyang nagselos at dahil doon ay naisipan niyang bumyahe na pabalik ng Maynila mag-isa. Labis siyang naguguluhan sa kanyang nararamdaman dahil hindi naman niya dapat nararamdaman ang mga ito. Hindi kaya totoo na ang pagmamahal niya para kay Mel?

Flasback
First day niya sa STU agad niyang nakilala at naging kaibigan si Marianne at ang dalawa nitong kaibigan na sina Catherine at Arabella. At habang nasa parking lot sila ay may nakakuha ng atensyon niya hindi niya maintindihan pero nagkainterest siyang tingnan ang bawat galaw nito, sinundan pala ni Marianne ang tinitingnan niya.

"That woman is our Prof. in our first subject. She's Miss Mel Montes." Pagbibigay nito ng impormasyon tungkol sa tinitingnan niyang babae.

"Oh, I see! Kaya pala iba ang arrive niya!"

"We have something to tell you about that Professor!" Medyo mahinang sabi nito.

"What is it?"

"She's a lesbian!"

"Really?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito dahil wala naman sa itsura nuon na lesbian ito. The truth is mukha talagang kagalang-galang iyon lalo na sa suot niyong uniform. "Why do you say so? do you have evidence?"

"One time nakita namin siya sa faculty na kahalikan ang isa ding dating Prof. dito si Miss Yvonne." Mas mahina ang boses na ginamit nito ng sabihin iyon.

"That's true!" Segunda nina Catherine at Arabella.

"Okey, granted na you are telling the truth e, ano naman ngayon?"

"Gusto kasi naming maprove pa lalo na totoo nga ang hinala namin!"

"Through what?"

"Through you!" Chorus ng tatlo.

"What? How?" Natural na kumunot ang noo niya.

"Akitin mo siya!" Nakangising sabi ni Marianne.

Hindi agad siya nagreact pero may gumagana sa kanyang clever mind.

Miss Mel (Completed)Where stories live. Discover now