chapter 10

3K 65 4
                                    

Sa loob ng kanyang opisina ay hindi niya maiwasang balikan ang naging pag-uusap nila ni Arabella Ynares-Hogan.

Sa una ay kumustahan lamang sila nabanggit nito na dito na sa Australia ito naninirahan kasama ang asawa nitong Austriliano na Peter Hogan ang pangalan ngunit sa gitna ng pag-uusap nila ay bigla nitong hinawakan ang kamay niya saka humingi ng patawad sa kanya. Natural na nagtaka siya ngunit bago pa siya makapagtanong ay nadugtungan na nito ang sinabi kanina.

"I'm so sorry dahil ako, kami nina Cathy ang may kasalanan kaya kayo nagulo ni Miss Mel!"

Tumigas ang mukha niya saka niya hinila ang kamay mula pagkakahawak nito pero hindi nito pinakawalan iyon.

"Kadamay lamang kami ni Cathy!… Si Marianne talaga ang may pakana ng lahat ng iyon!"

"Bakit ninyo nagawa iyon sa amin?"

"Malaki ang galit ni Marianne kay Miss Mel dahil sa tuwina lang ay inihuhulog siya ito!"

"Eh, bakit pati ako nadamay? I thought magkakaibigan tayo!"

"The truth is galit din sayo si Marianne! Naiinggit kasi siya sayo dahil mas lamang ka sa kanya sa lahat ng bagay at nagkataon pa na nagkagusto sayo si Simon na mahal na mahal niya!"

Hindi niya mapaniwalaan ang mga isiniwalat sa kanya ni Bella pero magkaganoon pa man ay pinatatawad na niya ang mga ito, lalo na si Marianne. Hindi na niya kailangan pa itong gantihan dahil ayon kay Bella ay nasa Mental Hospital na daw ito, tinakasan ito ng bait dahil sa kabila ng mga ginawa nito ay hindi pa rin ito minahal ni Simon. Naputol ang pag-iisip niya ng mag ring ang kanyang cellphone.

"Hello?… Okey, you come here to my office!" Yun lang at pinatayan na niya ito ng cellphone saka hinarap na niya ang kanyang mga trabaho sa kanyang mesa.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa niya ng isang document ay may kumatok sa pinto at ilang sandali lang ay bumukas iyon at iniluwa ang isang matangkad at maputing lalaki, natural din ang kulay tsokolate nitong buhok, kulay bughaw naman ang mga mata nito, at matangos ang ilong, mapula ang labi nito at pangahan ang napakakinis nitong mukha, maganda din itong manamit dahil marahil sa tamang porma ng katawan nito.

"What's new, Vito?" Tanong niya dito matapos niyang bistahan ito ng mabilisan.

"Bad news, Miss Alex!"

Kumunot ang noo niya.

"She's now in the hospital and in critical condition!"

Matapos niyang malaman ang kalagayan ni Mel ay agad siyang nagpa-book ng ticket pauwi ng Pilipinas.

"I'll go with you, Miss Alex!" Sabi ni Vito.

"No, need!"

"I insist!"

Wala na rin siyang nagawa at ngayon nga ay katabi na niya ito, sakay na sila ng eroplano pabalik ng Pilipinas at habang nasa ere ay binalikan niya ang nakaraan.

Oo nga at tinupad niya ang lahat ng kasunduan nila ng Daddy niya pero hindi niya napigilan ang kanyang sarili na hindi makibalita kay Mel, kaya naman kumuha siya ng isang magaling na Private Detective ito ang nagbabantay sa lahat ng mga aktibidades ni Mel sa loob ng limang taon. Nalaman niyang pagkatapos nitong makalaya ay tuluyan na itong umuwi sa Probinsya ng Ina dahil wala na din naman kasi itong babalikan sa STU at isa pa ay wala na itong licensya para muling makabalik sa propesyong mahal nito. Nalaman din niya na naging maayos naman ang buhay nito kapiling ang Ina at ang maliit na sari-sari store na ipinatayo nito sa harap mismo ng bahay nila, kahit naman papaano ay masaya siya para dito. Alam din niya na patuloy pa din ang panunuyo dito ni Lito ngunit magpasahanggang ngayon ay wala pa rin itong makuhang positibong sagot mula kay Mel tila ba pakikipagkaibigan lamang talaga ang pwedeng maibigay nito. Wala namang naging problema ang mga ito sa loob ng ilang taon. Ngunit ngayon… Tumulo ang mga luha niya at tila naririnig niya sa isip ang mga linya ni Mel sa tuwing nadadarang sila.

"This is not the right time for us to do this!"

"I'm doing this for your own good!"

Tama nga ito kung marahil ay mapagsamantala ito ay tiyak na makukuha din niya ang sakit na dinaranas nito ngayon. Mel has AIDS, ayon kay Vito Wilhelm, ang Detective na inuupahan niya. Nakuha daw ni Mel ang sakit na iyon mula kay Miss Yvonne Dela Paz, ang teacher na nakarelasyon din nito noon. Wala daw kaalam-alam si Mel na may sakit palang ganoon ang partner nito nalaman lang daw nito iyon ng kusang ipagtapat dito ng babae ang tungkol sa pagkakaroon nito ng AIDS at ura-urada ay nagpatingin ito upang malaman kung naisalin ba din iyon sa kanya at sa kasamaang palad ay naging positibo ang resulta ng eksamin na ginawa sa kanya. Itinago nito ang pagkakaroon ng sakit na iyon ngunit ngayon ay nabunyag na ang sakit na nakuha nito sa minsang pagiging gahaman sa laman. Malubha na ito at hinihintay na lamang daw ang tuluyang pagbigay ng katawan.

Naputol ang pag-iisip niya ng magsalita ang Piloto na nagsasabing maglalanding na ang eroplano sa NAIA. Buong durasyon ng byahe nila ay tulo lamang ng tulo ang mga luha niya. Nang makababa sila ng eroplano ay halata ang pagmamadali sa kilos niya at ng makalampas nga sila sa lahat ng dapat daanan at makita niya ang susundo sa kanilang sasakyan ay agad siyang sumakay doon.

"Sa PGH tayo!" Utos niya sa driver.

"You're suppose to take a rest first!" Sabi ni Vito.

Bahagya na kasi itong nakakaintindi ng tagalog kaya naiintindihan ang sinabi niya sa drive.

"I don't need that fucking rest! What I need is to see Mel as soon as possible!"

Tiningnan na lang siya nito at hindi na umimik pa.

Pagka park ng kotse ay agad na siyang umibis kasunod naman niya si Vito na pilit sinasabayan ang nagmamadili niyang kilos. Hindi na niya kailangang dumaan pa sa information dahil alam na niya ang pupuntahan niya, sa ICU. Sa hallway ay natanaw niya si Lito sobrang haggard na ng itsura nito.

"Lito?"

Tumingin ito sa kanya na tila kinikilala siya.

"Ako si Alex!" Pagpapakilala niya ng wala siyang mabasang recognasyon sa mukha nito. "Si Mel gusto ko sanang makita."

Sa una ay tila ayaw nitong pumayag na makita niya si Mel. Nakita pa nga niya na bahagyang nagtagis ang bagang nito at ang pagkuyom ng kamao ng sabihin niya kung sino siya. Sa titig nito sa kanya ay tila ba gusto siyang itaboy palabas ng ospital na iyon. Hindi naman niya binitawan ang titig nito at sa pamamagitan niyon ay gusto niyang ipaunawa dito na kailangan niya talagang makita ang pasyente.

"Lito?" Tawag ng may idad ng babae na kalalabas lang sa pinto ng ICU. "Sino ba ang-" naputol ang itatanong sana nito ng magawi ang tingin sa kanya. "Alex, ay ikaw nga ba iyan?" Tila humihingi ito ng kumpirmasyon sa kanya.

"Ako nga po, Tita Minia." Nakangiti siyang tumango dito.

"Dyosko! Salamat naman at ika'y pumarito na! Kaytagal ka ng hinihintay ni Melissa!… May pakiramdam nga ako na ikaw na lamang ang kanyang hinihintay!" Lumuluhang sabi nito.

May idea siya sa sinabi nitong tila siya na lamang ang hinihintay ni Mel, ngunit ayaw niyang isipin na iyon na nga ang huling kahilingan nito.

"Nasaan po siya, Tita? Gusto ko siyang makita!"

Iminustra nito sa kanya ang pinto. Humugot muna siya ng isang malalim na hininga bago siya naglakas loob na buksan ang pinto. Nanakit ang lalamunan niya sa pagpipigil ng iyak ng tuluyan niyang makita ang kabuuan ni Mel. Madaming mga tubo ang nakakabit dito at ayon sa  isa sa mga monitor na nandoon na nakakonekta dito ay mahina na ang heartbeat nito at sa tingin niya ay tila wala na itong buhay. Malaki na ang inihulog ng katawan nito, kasing putla na rin ng papel ang kulay ng mukha nito, ang paligid ng nanlalalim nitong mga mata ay nangingitim na din, ang labi nito ay tinakasan na din ng pula at ang tanging naiwan na lamang ay ang tila nasalanta ng El Nino sa pagkatuyo ng labi nito, wala na ang kakaibang arrive nito na kumuha ng atensyon niya noon, tila buhay na bangkay na lamang ito. Pigil na pigil niya ang kanyang pag-iyak… paghagulhol dahil ayaw niyang maabala ang pamamahinga nito ngunit may nagawa siguro siyang ingay kaya ito ay biglang kumilos at ilang sandali pa nga ay nagmulat na ito ng mata. Dali-dali naman niyang pinunasan ang mga luha niya.

Miss Mel (Completed)Where stories live. Discover now