chapter 4

4.1K 80 0
                                    

Kinabukasan, Huwebes absent si Alex sa klase niya. Tinanong niya si Marianne kung alam nito kung nasaan si Alex at bakit absent, pero hindi naman daw nito alam o baka ayaw lang talagang sabihin sa kanya. Hanggang sa oras ng uwian ay walang Alex na nagpakita sa kanya, kaya naman mag-isa na ulit siyang umuwi. Pag dating niya sa apartment ay agad siyang humiga sa kanyang sofa hindi na siya nag bukas ng ilaw, kaya hindi niya nakita na may naka upo sa single seater ng kanyang sofa. Lumapit ang 'panauhin' sa kanya at minasahe ang kanyang noo at sintido.

"Tired, sweetheart?" Masuyong tanong nito habang patuloy na humahagod ang daliri sa kanyang noo.

Hindi na niya kailangang buksan ang ilaw para makilala niya ang tao sa dilim na iyon, alam na alam na niya kung sino ito.

"Bakit nandito ka?" Ang kanyang tanong na naka pikit, dahil naghahatid sa kanya ng ginhawa at antok ang pagmamasahe nito.

"Hindi kita matiis, eh... kaya kahit galit ako sayo, pinuntahan pa rin kita."

Napangiti siya sa sinabi nito.

"At kaya rin ako nagpunta dito ay para sabihin sayo na sasama ako sa pag-uwi mo bukas."

"Eh, paano? Nagpaalam ka na ba sa parents mo?" Bumangon siya at hinarap ito.

"Hindi na kailangan, hindi na naman nila mapapansin na wala ako, dahil busy naman silang lahat."

Niyakap niya ito.

"Paano ka nga pala nag punta dito?" Naalala niyang itanong.

"Nag taxi ako."

"Kinaya mo?" Alam niya kasing hindi ito marunong mag commute.

"Oo, alangan naman na magpahatid ako sa driver ko, e di nalaman nila na napunta ako sa bahay ng Prof. ko."

"Kasi naman hindi ka pa sa akin sumabay."

"Ayoko nga, eh di nalaman mong pupuntahan kita. No way!"

Ang lakas ng naging tawa niya sa sinabi nito.

"Kumain ka na ba, Baby ko?" Maya-maya ay tanong niya dito.

"Nope, actually kahapon pa ako hindi kumakain."

"Ha? Bakit?"

"Kasi po pag galit ako sumisikip yata ang throat ko kaya hindi ako makalunok ng kahit anong pagkain."

"Ah, baka kaya ka pumunta dito at nakipag bati sa akin ay dahil gutom ka na at gusto mo ng kumain." Pagbibiro niya dito.

Pinagkukurot naman siya nito sa tagiliran kaya sa pag ilag niya ay nahulog siya sa sofa at dahil sa madilim at paghabol nito sa kanya ay padapang natumba ito sa ibabaw niya. Gahibla lamang ang pagitan ng kanilang mga mukha, langhap niya ang mabangong hininga nito at ramdam niya ang mainit na hangin na galing sa bibig nito, kaya naman hindi na siya nakatiis, tinawid niya ang gahiblang iyon at inapuhap niya ang labi nito, sa una ay banayad lamang ang halik na iginagawad niya dito, pero ng maramdaman niyang tumutugon ito ay naging mapusok ang pag halik niya dito. Totoong nakakapag-init ang halikang namamagitan sa kanila, may kung ilang sandali din marahil ang itinagal niyon, at alam niyang kung magpapatuloy pa iyon ay maaaring may 'mangyari' sa kanila, kaya naman kahit labag sa loob niya ay pinutol niya ang kaiga-igayang tagpo na iyon. May dahilan siya kaya hindi niya maaaring ipagpatuloy ang pagdala dito sa kaluwalhatian, dahilan na hindi na nito dapat pang malaman.

"Why did you stop?" Halata ang pagtataka sa namamaos nitong tinig.

"I know that you are not yet ready for this." Yun na lang ang nasabi niya dito, saka iginiya na niya ito sa pagtayo.

Miss Mel (Completed)Where stories live. Discover now