chapter 7

3.1K 66 0
                                    

A Lesbian Teacher Is Having An Affair With Her Student Who Happened To Be The Daughter Of A Famous Politician!

Eto ang headline sa halos lahat ng dyaryo kinaumagahan.

"Mother, ipinatawag ninyo daw po ako?" Kakabakabang bungad ni Dean Linda Monteverde sa Madre Superyora ng Unibersidad.

"Maupo ka, Dean Monteverde." Seryoso ang mukha na utos nito.

Naupo siya sa silyang nasa harapan ng magara nitong lamesa.

"Basahin mo ito at tingnan mo rin ang mga larawan na kumakalat sa internet!" Iniabot nito sa kanya ang dyaryo at iniharap sa kanya ang laptop na nasa ibabaw ng lamesa nito.

Hindi na naman niya kailangan pang tingnan at basahin ang mga iyon dahil alam na niya ang tungkol sa mga iyon.

"Mother, nakarating na po iyan sa akin." Magalang niyang sabi.

"Totoo ba ang mga ito?"

"Hindi ko po alam, Mother."

Tumayo ito at humarap sa imahe ni Sta. Maria at nag-antada.

"Santisima! Ginawa na niya ito dati ng magkaroon sila ng relasyon ni Miss Yvonne! Pinatawad natin siya ngunit sa pagkakataong ito-" Ibinitin nito ang sasabihin saka muling nag-antada. "Ipatawag mo ngayon din si Miss Mel!" Anito ng muling humarap sa kanya.

"Ngunit naka-leave po siya, Mother."

"Tawagan mo siya at papuntahin dito, Dean Monteverde!" May diing utos nito.

"Sige po!" Yun lang at lumabas na siya sa tanggapan ng Madre.

Mel's POV
Wala pa siyang kaalam-alam sa mga pangyayari ng araw na iyon kaya siya ay gulat na gulat sa pagtawag sa kanya ni Dean Monteverde na nagsasabi na kailangan niyang magreport sa School ngayong umaga ng tanungin naman niya kung ano ang problema ay basta pumunta na lang daw siya sa School. Walang-wala sa hinagap niya na natuklasan na ang relasyon nila ng studyante niyang si Alex Ferrer.

Pinapasok pa lang niya ang kotse niya sa gate ng Saint Therese ay pinagtitinginan na siya ng mga studyante, maging ng mga gwardya mismo. Iba ang tingin ng mga ito sa kanya hindi niya mawari ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon kaya pinagwalang bahala na lamang niya. Nang umibis siya sa kanyang kotse ay wala ang dating pagbati sa kanya ng mga studyante bagkus ay pinagtitinginan lang siya merong iba na nagbubulungan.

'Ano ba ang nangyayari dito?' Tanong niya sa kanyang sarili.

Nagkibit-balikat na lang siya saka nagtuloy na sa opisina ng Dean.

"Good morning, Edna!" Bati niya sa sekretarya ni Dean Monteverde. "Si Dean nasaan?"

"Good morning din po Miss Mel, nasa office po ni Mother Superior si Dean, pumunta na lang po kayo doon." Anito na parang iba din ang kinikilos.

"Okey! Thank you!"

Kumatok siya sa opisina ng Mother Superior.

"Come in!" Ang sabi ng nasa loob.

"Good morning po, Mother… Dean!" Magalang na bati niya sa dalawang nasa loob.

Kakaiba ang ambiance sa opisinang iyon ngayon parang gusto niyang kabahan lalo pa nga at hindi tinugon ng mga ito ang pagbati niya. Tahimik lang siyang nakatayo sa harap ng mga ito hindi kasi siya inoofferan na maupo, eh. Maya-maya ay binasag ng Madre ang nakabibingi nilang katahimikan.

"What can you say about this, Miss Mel?" Tanong nito habang inaabot sa kanya ang isang dyaryo.

Inabot niya iyon at tiningnan kung ano ba ang tinutukoy ng Madre at nagulantang siya ng mabasa ang headline ng balita. Walang duda na sila ni Alex ang tinutukoy doon.

Miss Mel (Completed)Where stories live. Discover now