Chapter 30 || Scared To Death

3.3K 109 65
                                    

A/N: I'm back!




"Ano ba kasi talaga ang nangyari?" Frustrated na tanong ni Anne. Panic wasstarting to overpower her pero pilit n'yang nilalabanan. Billy stopped pacing back and forth in front of the emergency room door. Yes, they are in the hospital because what supposed to be a happy night turned out to be a nightmare.


"Vice was shot." Billy said bluntly na parang noon lang din nag-sink in sa kanya ang mga nangyari. Humugot s'ya ng malalim na hininga at napasandal sa dingding. "Nabaril s'ya dahil sa ayaw n'yang magpapigil. He was so mad that he used all his force to knock that foreigner out. When I finally got the chance na mahila s'ya, may dumating namang isa pa. Siguro kasama n'ya yung nakaaway ni Vice. Tinutukan n'ya kami ng baril, kay Vice in particular. Everything happened so fast and the next thing I knew, Vice was lying on the sidewalk – bleeding and unconscious. At ngayon..."


Billy's voice trailed off.


Anne cursed.


Vhong shut his eyes tight to hold back his tears.


Nakita ni Karylle ang bawat reaksyon ng mga kaibigan pero nanatili s'yang passive. Hinayaan lang n'yang pumatak ang mga luha.


"Hey, girl..." Anne said nang mabalingan si Karylle. She gently pulled her in a comforting hug. "He'll be alright. Si Vice pa? Eh fighter yun. Don't wor—" Anne's words were cut off by everyone else's sudden rush.


"Miss, ano'ng nangyayari?" tanong ni Vhong na biglang tumayo at hinarang ang isang nurse, pero iniwasan lang s'ya nito at hindi sinagot. From inside the room where Vice is, they can hear loud machine noises na humahalo sa malalakas na boses ng mga doktor na nagmamando kung ano ang mga gagawin. Everything and everyone were in chaos. Halos hindi na maintindihan ng apat ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid.


Hanggang sa pumailanlang ang matinis na tunog ng isang aparato.


Mas lalo pang naging magulo ang paligid. May mga medical staff naman na lumapit at sinubukang ipaliwanag ang mga kaganapan pero wala na roon ang atensyon ni Karylle. She walked absentmindedly towards the emergency room door and pushed it open. At parang eksena sa pelikula, dahan-dahang nilapitan ng dalaga ang binata sa kinaroroonan nito. May mga staff na nagtangkang pigilan s'ya pero di nagtagal ay hinayaan nalang s'ya.


"Sorry." Sabi ng doktor nang makalapit si Karylle kay Vice. "We tried our best, pero katawan na n'ya ang sumuko." Isang impit na hikbi lang ang naisagot ng dalaga, and the doctor took that cue to leave her for a while. She wanted to scream but her screams got stuck in her throat. Wala na s'yang ibang nagawa kundi ang halikan ang labi ng taong pinakamamahal sa huling pagkakataon.


"What the hell happened?!" Anne's voice cut through as she and the boys entered the emergency room. Inilibot n'ya ang tingin sa paligid sa pag-asang may sasagot sa kanya pero nanatiling tikom ang bibig ng mga taong naroon.


"He's gone, Anne." Finally nakuhang magsalita ni Karylle. "He's gone."


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ViceRylle || Songs of the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon