Chapter 21 || Love The Way You Lie

5.7K 116 14
                                    


Come hear those sleigh bells ring-a-ling
Ring ting ting-a-ling too
Come on it's lovely weather for a sleigh ride together with you...

It's all the same over and over.

Eh ano ba kasing issue? Pwede ba? Ipaliwanag mo nga.

Yan ang hirap sa'yo. Pilit mong iniiba ang kwento. Pwede ba, Vice?

Karylle naman. Paano ko iibahin ang kwento kung hindi ko nga alam?

Ugh!

Karylle! Uy! Ayan ka na naman eh? Walkout palagi.






"Vice." tawag ni Anne. Napabuntong-hininga naman si Vice saka naupo sa pagitan nito at ni Billy. Kasalukuyan silang naghihintay ng next gap ng Showtime nang out of the blue ay sumiklab na naman ang unti-unti na nilang nakakasanayang away ng Vicerylle. "Ang ganda nung Christmas song, tinabunan ng mga boses nyo. What is it this time?"






"Bakit di sya ang tanungin nyo?" walang ganang sagot ni Vice. "Ask her because I honestly don't know. Ni hindi ko na nga sya maintindihan ngayon eh? Parang may ipinaglalaban na ewan."






"Bestie, kalma lang." sabi ni Billy. "Napapadalas na yan ah. Yun pa rin ba ang dahilan? Aba! Matagal na yun ah? Di pa rin tapos? Di na healthy yan, Bestie."






"Tama si Billy, Vice." sabi naman ni Anne. "Nagiging part na ng everyday ninyo ang bangayan. What's happening? Can you not patch things up? Magpa-Pasko pa naman."






Naihilamos nalang ni Vice ang mga palad sa mukha in frustration at napasandal sa likod ng couch na inuupuan.






He sighed. Nung nakaraan lang ang sweet sweet nya. Anyayare Karylle?






Six weeks ago...






"Forget what I said." Karylle said as she wrapped her hands around his neck. "I'd rather have the kiss." He gladly obliged.






"Meme? I--- OMG!"






Mabilis na naghiwalay ang dalawa dahil sa may biglang daot na dumating.






"Russ." sabi ni Vice habang umayos ng upo sa kama. Si Karylle naman ay natatawa nalang sa sitwasyon at kinuhang muli ang iPad na itinabi ni Vice.






"Sorry, Meme." sabi ni Russ at nag-peace sign pa. "Gusto nyo pa bang ituloy? Sige, go lang."






"Di na. Mamaya nalang." sabi ni Vice. "Mamaya mainggit ka pa eh. Ano ba yun?"






"Pwede bang sa labas nalang, Meme?" mahinang sabi ni Russ. Naiiritang tumayo naman si Vice at nag-excuse kay Karylle saka sumunod kay Russ.






"Ano ba yun?" naiinis na sabi ni Vice ng makalabas sila ng pinto.






"HK." maikling sagot ni Russ. Agad naman syang hinawakan ni Vice sa braso at iginiya papuntang living room.






"Di ba bilin kong wag kayong magsasalita tungkol dun pag kasama ko si Karylle?"






"Kaya nga sinabi kong dito nalang sa labas di ba, Meme?" sagot naman ni Russ. Napa-sigh naman si Vice.






...so everything's set. Naka-impake na lahat ng gamit. Nakuha ko na rin ang plane tickets...






Tahimik lang si Vice habang nakahiga sa couch sa living room habang idinidetalye ni Russ ang itinerary nila for next week. They'll be HongKong-bound since Halloween break naman nila. Ang problema, halos wala syang maintindihan dahil iba ang tumatakbo sa isip nya. Si Karylle. Hay.






ViceRylle || Songs of the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon