Chapter 26 || Little Things

3.2K 123 33
                                    

“I’m leaving.”

“Wha—leaving?!” Hindi makapaniwalang reaksyon ni Vice sa sinabi ni Karylle. Salubong ang mga kilay na hindi nya inalis ang tingin sa dalaga. “Ano yun? Nababaliw ka na ba? Anong aalis, Karylle? Bakit ka aalis?” sunud-sunod na tanong ng binata na nakatingin ng derecho sa mga mata nya.

“I have to.” Tipid na sagot ni Karylle at nag-iwas ng tingin. Hindi na nya makayanan ang magkahalong sakit, lungkot, at panunumbat na nakikita nya sa mga mata ni Vice. “It’s for the better…for the both of us.”

“Ganyan ba ang definition mo ng better?” sarkastikong tanong ni Vice. “Ang lumayo? Karylle, since day 1 ganito nalang tayo eh? Lalapit ka tapos lalayo. Sabi mo mahal mo ‘ko. Ikaw pa nga ang unang gumawa ng paraan di ba? Naalala mo? May pahara-harana ka pa nga no’n eh? Pero ano? Lumayo ka rin no’ng sinabi kong hindi pa ‘ko handa.” Vice smiled bitterly. “Sabi ko bakla ako, sabi mo naman wala kang pakialam. Willing kang maghintay pero lumayo ka.”

“Ano ba’ng pinupunto mo, Vice?” inis na sabi ni Karylle at hinarap si Vice. Ikinagulat naman iyon ng binata. “Saan papunta ‘to? Look, marami akong kailangang gawin. I—”

“Sino ka?” putol ni Vice sa sasabihin ng dalaga. Salubong ang mga kilay at di makapaniwalang tiningnan nya ito. “Hindi ikaw ang Karylle na kilala ko.”

“I don’t have time for this.” Sabi naman ni Karylle na binalewala ang mga sinabi ng kausap. “Pwede bang next time nalang tayo mag-usap? Kailangan ko pang magligpit para makaalis. So if—”

“Paano yung kasal?” biglang tanong ni Vice. Ewan nya kung saan galling ang tanong na yun pero bigla nalang sumagi sa isip nya. Siguro nga may gusto lang syang malaman.

ViceRylle || Songs of the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon