Chapter 2

12.7K 322 6
                                    

"OMG?! Is that Kenna?!" malakas na bulong ng babaeng katabi niya sa lalaking katabi nito.

"Sssh. Tiff, baka nagpapahinga siya ngayon. Mamaya mo na lang siya kulitin." saway nito sa babae.

"Psh. KJ mo naman, Dion ko. Pero infairness ang pretty pretty niya talaga. At no make-up pa. Naks!"

She was currently at the plane bound to Manila at nakasuksok ang earphones sa tenga niya kahit walang tugtog. Para na rin kasi hindi siya kulitin ng mga tao roon. Kahit na nasa business class siya ay pinagtitinginan pa rin siya. Halos lahat ng kasabay niya ay naka-business suits o kaya naman ay naka-dress. Siya naman mukha pa ring elegante sa simpleng gray shirt at shorts. Duh. Model kaya siya.

"Di nga si Kenna yan?"

"Ang ganda niya pala talaga."

"Ang tangkad pa."

"Wow!"

Ipinikit niya ang mga mata dahil mahaba haba pa ang oras na gugugulin ng flight. 14 hours kasi ang flight galing sa Paris papuntang Manila. She crossed her legs and leaned on the window.

Nagulat siya nang may magpatong ng blanket sa mga hita niya. Pagbukas niya ng mata ay isa iyong gwapong lalaking blue ang mga mata. Ito kasi ang katabi niya. He was wearing a dark navy blue suit. Tinanguan niya ito at pumikit muli.

"Dumadamoves si Jov oh. Tsk."

NAGISING siya sa mahinang pagtapik sa balikat niya. Pagmulat niya ng mata ay si Kenna ang nabungaran niya. He cleared his throat at inayos ang upo niya.

"Sorry to wake you up. Breakfast is here."

"Ah.. yeah. Thanks."

Tahimik na kumain na ito. Hindi niya mapigilang masdan ang maamong mukha nito. She was really beautiful. Ang mga mata nitong itim na itim at ang mga mahahabang pilik nito. Her slightly pointed nose. Yung mga labi niyang may kapulahan. Yung cleft chin niyang ang cute sa kanya. Her perfect jawline. She's so beautiful up close. Hindi niya inaasahang ito ang makakatabi niya sa eroplano. Si Dion kasi ay hinila siya sa trip nilang mag-fiancée sa Paris. Gusto daw kasi ng mga ito na ma-capture niya ang mga 'moments' nilang dalawa. Nagmukha tuloy siyang third wheel.

"Don't you like your food, sir?" tanong ng flight attendant na kulang na lang ay maglabasan ang mga dibdib sa napakasikip na uniporme nito.

Napatingin naman sa kanya si Kenna.

Umiling siya sa flight attendant. "No. I'm fine. I'll just call you when I need you."

Agad naman na tumango ang flight attendant at umalis.

Gusto niyang kunin ang camera niya at kunan ang naturang modelo sa tabi niya pero baka magalit ito.

Biglang napakunot ang noo niya. Anong gagawin niya sa Pilipinas ng mag-isa? Bakit wala siyang kasama? Inilibot niya ang tingin. Wala kasi itong ibang kasama. Puro mga businessmen ang mga nasa business class.

Tiningnan niya ito at hindi nito halos nagalaw ang pagkain. "Is there something wrong?" di mapigilang tanong niya rito.

Umiling ito. "I'm fine."

Tumango lang siya at nagpatuloy kumain. As expected, walang matakaw na model.

"Ay! Dion ko, kinuwento nga pala sa akin ni Sarah na may nakasalubong siyang magandang babae sa village last month. Sobrang tangkad daw tapos sobrang ganda."

"Tiff, bakit mo kinukwento sa akin yan?"

"Wala lang. Curious lang ako. Dun daw yun sa tapat ng bahay ni Jov eh."

Picture Perfect (Damien Jovanni Cabriga & Kenna Naveen Cervantes)Where stories live. Discover now