Chapter 12

8K 251 5
                                    

"APO! Buti naman at nakaabot ka sa birthday ko?" sabi ng Lolo niyang si Eulo. Hindi dapat siya pupunta kasi marami siyang natambak na trabaho dahil iniiwasan niyang maisip si.. yun. Yung babaeng yun.

"Lo." niyakap niya ito at tinapik sa likod. "Happy Birthday." tipid na nginitian niya ito.

"Tara na at pumasok na tayo magsisimula na ang party." masiglang wika nito. Naguilty tuloy siya dahil napaka-gloomy niya. Dapat ay masaya siya pero paano siya sasaya kung ang babaeng dahilan ng mga ngiti niya ang kusang bumitaw sa pangakong binitawan nito?

Pagpasok sa mansyon ay binati siya ng ilang taong malapit sa puso ng Lolo Eulo niya. Tipid na ngiti lang ang binigay niya sa mga ito. Fake smile kumbaga. Nitong mga nakaraang araw kasi ay sobrang sinubsob niya ang sarili niya sa pagtatrabaho at pagpapabuti ng kumpanya niya. Maging ang mga kaibigan niya ay nagulat rin sa naging mga pagbabago sa kumpanya niya. Hindi kasi siya hands on doon dati. Ang gusto lang niya ay manatiling tumatakbo ang kumpanya pero sa kadahilanang ayaw niyang maisip ang babaeng gumugulo sa utak niya ay mas lalo niyang pinagbuti ang trabaho.

"Jovs!" tawag sa kanya ng kaibigan niyang si Akito.

"Aki." lumapit siya rito. Katabi nito si Nixon, Valentin at Ross.

Lumilinga linga si Nixon sa paligid. "Nasaan si Kenna?"

Tumalim ang tingin niya rito.

He cleared his throat. "Hinahanap lang naman. Napaka mo talaga, Jovs!" ngumuso ito.

Tinapik ni Ross ang balikat niya. "Bakit hindi mo siya kasama?"

Umiling siya. "None of your business." walang ganang sagot niya rito.

"Hmm.. I smell something fishy." asar sa kanya ni Nixon.

"Shut up, Nixon." angil niya rito.

Napadako ang tingin niya sa entrada ng mansyon nang tumahimik ang lahat. Mahinang napamura siya. Biglang tumibok nang malakas ang puso niya. "Shit!" May kasamang lalaki si Naveen. At hindi lang basta lalaki. Si Joaqui Dominic Castelo ang kasama nito. Nakaabrisyete rito ang babaeng gumugulo sa isipan niya. Proud na proud naman ang kulugo dahil katabi niya ang babaeng pinapangarap ng lahat ng lalaki sa iba't-ibang panig ng mundo. Nagbulungan ang mga tao sa paligid. Dumating naman ang tatlong lalaki na bigla na lang inagaw si ANO kay Joaqui. Nakahinga siya ng maluwag.

"Masakit ba?" nakangising tanong sa kanya ni Nixon.

Sinamaan niya ng tingin ito. Tumingin uli siya kay Naveen at napangiti nang ngumiti ito. Pero bigla siyang napasimangot nang mapagtantong nakikipagtawanan pala ito sa mga lalaking iyon. Mahinang napamura siya. That should be me making her laugh. Ako lang dapat!

Tatalikod na sana siya nang tinapik siya sa balikat ni Akito. "Dun tayo sa bar. Tanaw mo pa rin siya dun wag kang mag-alala." he sighed.

Tumango siya at sumunod rito. Umupo sila sa mga stool at umorder ng brandy. "So.. you like Kenna?"

"I do." sinundan niya ng tingin si Naveen. Hindi mahirap hagilapin ito dahil nangingibabaw ito sa crowd. Napakaelegante at napakaganda niya. Mukha siyang prinsesa. Prinsesa niya..

Ngumiti ito. "Wag mong pagselosan yung mga kasama niyang dumating. Joaqui is her cousin and business partner. Yung tatlong ugok naman.. mga Kuya niya."

"Kuya?"

Tumango ito. "Diego Leonardo, Alejandro Gabe and Noah Matias."

"Yung mga cassanova na yun?" di makapaniwalang sambit niya.

Akito chuckled. "Yeah. Kaya wag ka nang ngumuso riyan. Di bagay sa'yo." inisang lagok nito ang laman ng baso at umorder uli. "Malamang pinilit lang nila si Kenna na sumama. Simula nung lumabas yung tsismis na buntis si Kenna ay halos hindi na raw kumakain at lumalabas ng kwarto niya si Kenna sabi ni Alen. I wonder what happened." tiningnan siya nito nang makahulugan.

Picture Perfect (Damien Jovanni Cabriga & Kenna Naveen Cervantes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon