Chapter 20

8.2K 203 2
                                    

NATARANTA siya nang mahimatay si Naveen. Kaya naman agad niyang tinawagan si Dion para agad na magtungo sa bahay niya. Doon na rin niya isinakay si Naveen sa sasakyan niya. Ibinulsa niya ang susi ng kotse nito at agad na humarurot pauwi sa bahay niya.

"Anong nangyari?" tanong ni Dion sa kanya pagkarating niya sa bahay niya.

"She passed out. Kakausapin ko sana siya kaya ko siya nilapitan pero mukhang nahilo siya at ayun nga nahimatay siya." binuhat niya papasok si Naveen sa kwarto niya.

Agad naman na ineksamin ni Dion ito. "Well.. nothing seems to be off about her. Siguro puyat, pagod o kaya gutom lang." iniligpit na nito ang mga gamit nito.

"Sigurado ka ba? Baka naman may sakit siya?"

Tinapik siya nito sa balikat. "Kenna's fine. No need to worry about her. Ang isipin mo kung anong sasabihin mo sa kanya paggising niya."

He sighed. "Salamat, pare."

"Walang anuman. Just call me if may naramdamang masama si Kenna. I have to check her again, just to be sure."

Tumango siya at inihatid na ito sa labas. Pagkabalik niya sa kwarto niya ay umupo siya sa tabi ni Naveen. "I missed you, Naveen." marahang hinaplos niya ang pisngi nito.

"Damien.." napangiti siya nang marinig ang pangalan niya mula sa bibig nito. ".. Tangina mong gago ka. Hayop ka!" napasimangot siya.

"Akala ko naman magiging maayos na tayo." he sighed and kissed her forehead. "Magpahinga ka na." tumayo na siya at inayos ang pagkakakumot nito.

"I love you, Damien.." napangiti siya. Mabilis na hinalikan niya ito sa labi.

"I love you too, Naveen. I love you so much."

NAALIMPUNGATAN siya nang matamaan ng liwanag na nagmumula sa bintana ang mga mata niya. She groaned and stretched up her arms. She sighed heavily. "Lord! Pahug naman! Pahinging energy!"

Mahinang kinuskos niya ang kanyang mga mata. Nanghihinang bumangon siya at naupo sa kama. She looked around and noticed that everything is new to her. Nanlaki ang mata niya. "Aahhhhhhhhh!"

NAGLULUTO siya nang makarinig nang sigaw mula sa taas ng bahay niya. Nataranta siya kaya agad niyang pinatay ang kalan at tumakbo paakyat sa kwarto niya.

"What's wrong?" nagaalalang niyakap niya si Naveen. "Baby, tell me please. Where does it hurt? Wait. Tatawagan ko lang si Dion." aabutin na niya ang cellphone niya nang hampasin siya nito ng unan sa mukha.

"RAPE!!!" sigaw nito. Umiwas ito sa kanya at gumapang palayo sa kanya. "Sino ka?!" tinakpan pa nito ng kumot ang katawan nito.

Kumunot ang noo niya. "Baby.. it's me. Damien."

"Damien? Lokohin mo lelong mo! Gwapo si Damien! Walang balbas yun!" sinamaan siya nito ng tingin.

Napahawak siya sa baba niya. "I guess that's my cue to shave." he chuckled.

"Anong ginagawa ko rito? Bakit ako andito? Sino ang nagdala sa akin dito? At sino ka?" sunud sunod na tanong nito.

Natawa siya. "I'm Damien Jovanni Cabriga. 31. You passed out last night that's why I brought you here."

"Gwapo si Damien!" binato siya nito ng mga unan.

He laughed. "It is me. Don't you recognize me anymore?" lalapit sana siya rito ngunit sapol siya sa ulo ng unan. "Okay. Okay. Wait here. I'll just shave." he chuckled. "You're so cute, my love." nagmamadaling pumasok siya sa banyo at nagsimulang mag-ahit.

NAGMAMADALING lumabas ng kwarto si Naveen. Gagong yun! Siya raw si Damien! Ako pa niloko niya. Makasibad na nga bago pa ako mahuling tumatakas nung ermitanyong yun!

Picture Perfect (Damien Jovanni Cabriga & Kenna Naveen Cervantes)Where stories live. Discover now