Chapter 6

10.1K 280 2
                                    

NAGULAT siya nang pagbaba niya sa hagdan niya ay naabutan niyang nagbabasa ng dyaryo si Jovanni sa couch niya. Agad na tumikwas ang kilay niya. "What are you doing here?" masungit na tanong niya rito.

Tumingin ito sa kanya at ngumiti. "I prepared breakfast for you. Turkey bacon, poached eggs and a toast."

Kumunot ang noo niya. "May lakad ka?" naka-suit and tie kasi ito.

Tumango ito. "I have a meeting with a client today." hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya sa tabi nito. "Eat up." nakangiting inginuso nito ang pagkain sa cofee table.

"I want some coffee." tumingin siya rito.

"How many spoons of sugar? Milk or cream?" tumayo ito at agad na nagtungo sa kusina niya.

"Black coffee."

"That's unexpected." narinig niyang wika nito.

She rolled her eyes and checked her SNS accounts.

"Kenna Cervantes. The first solo model of Jovanni Cabriga." kumunot ang noo niya at binasa ang article. Nagulat siya sa nabasa. Karamihan kasi ay grupo ang mga kinukunan nito o kaya naman pang-ads para sa iba't ibang brand. Ayon sa article ay siya raw ang unang solo model nito na walang label ang picture. She checked his Instagram account at totoo nga ang sinasabi nito. Ang mga naka-pose lang sa account nito ay ang mga kuha ng iba't ibang kilalang artista at models para sa mga kilalang brands. Ni wala man lang selfie nito. Hindi rin masyadong kita sa account nito ang mukha nito.

Jovanni safely put down her coffee on the table. Hinawakan niya ang laylayan ng suit nito. Nagtatakang tumingin naman ito sa kanya. "Upload our picture."

Halatang nagulat ito. "Why?"

She shrugged. "I want to play with the media. I haven't been in a rumor for so long."

Kumunot naman ang noo nito at umupo sa tabi niya. "Don't you have a boyfriend?"

Umiling siya. She sipped on her coffee. "What makes you think that I have one?"

"Yung lalaki na nagsundo sa'yo sa airport.."

She smirked. "That's my brother."

Pinamulahan ito ng mukha. "Oh." nag-iwas ito ng tingin.

Natawa siya. "Didn't you say you have a meeting?" lumapit siya rito at inayos ang tie nito. "Now go or you'll be late."

He cleared his throat. "I'll come back tonight."

Tumango siya. "Take care."

Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan iyon. "I will. You too." nakangiting wika nito. "Oh. Before I forget.." kinuha nito ang cellphone niya at may idinial na kung ano. Nag-ring naman ang cellphone nito. "I'll text you later. Text me if you need anything." lumabas na ito ng bahay niya at inilock ang pintuan niya.

Lihim na napangiti siya. Kinain na niya ang almusal na inihanda nito habang chinecheck ang mga emails niya.

From: noahmatiascervantes@yahoo.com
Subject: We miss you

Nakita mo na ba ang mga lumalabas na articles tungkol sa'yo? Are you okay? Call me. I won't ask anything. I just need to hear your voice.

She sighed heavily and decided to call her brother. "Kuya."

"Sa wakas! Nagparamdam ka rin! Pinag-alala mo kami, baby. I know where you are. Alam kong kailangan mong mapag-isa. Call me if you need anything, okay?"

"I will. I'll be with all of you next week."

"Take care for us, okay?"

Napangiti siya. "Opo! Tell Lola, Lolo, Mama, Papa, Kuya Diego, Kuya Alejandro and yourself that I miss you."

Picture Perfect (Damien Jovanni Cabriga & Kenna Naveen Cervantes)Where stories live. Discover now