Chapter 21: The Last Chapter

14.4K 339 21
                                    

Media: Kenna with Theon (Tiffany's baby boy)

NGITING NGITI si Damien nang makalabas sa bahay ni Naveen. Sumipol sipol pa siya sa hangin. Binati niya ang tahimik na naglalakad lakad na si Arnold at tinapik sa balikat.

"Dadating din ang nakalaan para sa'yo, pare. Wag kang matakot umibig uli. Balang araw.. sa tamang panahon titibok din ang puso mo."

Naguguluhan lang siya nitong tiningnan. Natawa siya. "Take this to heart, pre." kinindatan niya ito at pumasok na sa bahay niya.

Sakto namang pagpasok niya ay nag-ring ang cellphone niya. Nakita niya ring pumasok sa gate niya si Naveen. Marahil ay tatanungin siya kung bakit niya ito hinalikan.

Nakita niyang si Dion ang tumatawag. Agad niya iyong sinagot. "Hello?"

"HOY, DAMIEN!" sinabunutan siya ni Naveen at pinaghahampas sa braso.

"Aray! Aray!" naramdaman niyang kinakalmot pa siya nito.

"Jov. Si Tiff manganganak na. Andito na kami ngayon sa ospital. Prepare the camera na, pre."

"GAGO KA! MAY ASAWA KA NA LUMALANDI KA PANG HAYOP KA! TAO KA BA TALAGA?"

"Uh.. pre? Makakapunta ka ba?"

"Aray! Oo. Oo parating na. Ano nga uli yun?" sinubukan niyang alisin ang kamay ni Naveen na nakalubog na yata sa laman ng braso niya.

"Si Tiffany. Manganganak na."

Natigilan siya. "Manganganak na siya?!"

Parang nabuhusan naman ng malamig na tubig si Naveen at agad na lumayo sa kanya.

"Oo, pre. Kaya dalian mo na. 3cm na lang siya."

"O sige. Sige. Papunta na ako. Hintayin niya kamo ako. I want to be there to capture the moment." napangiti siya.

"O sige. Hintayin ka raw niya. Dalian mo at bugbog sarado na ako rito." narinig pa niya ang malakas na sigaw ni Tiffany sa kabilang linya. Agad na tinapos niya ang tawag at hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Naveen. "Manganganak na siya!" masayang bulalas niya.

Agad naman na sumimangot ito. "Narinig ko. Hindi ako bingi."

He grabbed his DSLR camera and dragged Naveen out of the house. "Hoy! Teka! Saan mo ako dadalhin?" pagpupumiglas nito.

"We're going to the hospital." masayang anunsiyo niya

"Ayokong sumama. Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" pinaghahampas nito ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kamay nito. Feels good to hold her hands again. Feels like home.

Tumigil siya at pinagbuksan ito ng pinto. "You're coming with me. Okay?" he smiled sweetly at her.

Isang malutong na sampal ang lumanding sa pisngi niya. "Utot mo. Mag-isa ka! Bwiset!" inis na naglakad palayo si Naveen.

Naguguluhang napakahawak siya sa pisngi niya. "Anong problema nun?"

"BWISET! LECHE! ARGH!" malakas na isinara ni Naveen ang pintuan ng bahay niya. Padabog na umakyat siya sa kwarto niya. "Kainis! Ako pa talaga ang isasama niya ah. May pa-coming with me coming with me pa. Utot mo! Dun ka sa asawa mong manganganak na! For sure mas maganda naman ako dun. Mas sexy pa. Tss." padapang humiga siya sa kama niya.

Napahinga siya nang malalim. "Lord! Ayoko umiyak! I'm too fabulous for that. Sayang ang designer mascara ko kung iiyakan ko lang yung kumag na yun. Ang puso ko.." she sighed heavily and lay down on her stomach. She stared blankly at her pillows. "Akala ko talaga siya na. Akala ko talaga.. pero lahat pala.." iritang tiningnan niya ang cellphone niya nang tumunog iyon. "Panira ng moment bwiset!" inis na sinagot niya ang tawag ng kapatid niya. "ANO BANG PROBLEMA MO HA? NANG-AANO KA EH NO?"

Picture Perfect (Damien Jovanni Cabriga & Kenna Naveen Cervantes)Where stories live. Discover now