Chapter 13

8.5K 243 4
                                    

BIGLANG bumukas ang pintuan ng library kung nasaan sila ni Damien. Andun sa labas ang pamilya nilang dalawa.

Binatukan ng Kuya Diego niya si Nixon. "Gago ka. Claustrophobic si Navi."

Napakunot noo siya nang makita ang matandang lalaking nameet niya nung birthday ng Lolo niya. Magkayakap sila ni Damien ngayon. Ayaw kasi nitong humiwalay sa kanya.

"Kenna.. ikaw pala talaga ang Kenna na tinutukoy ng apo kong si Jovanni." nakangiting sabi nito.

Pinunasan naman ni Damien ang pisngi niya. "Ang ganda mo kahit pula na ang ilong mo." nakangiting pang-aasar nito sa kanya.

"Apo? Apo niyo po si Damien?" nakakunot noong tanong niya.

Natatawang tumango ito. "Mas maaga sana kayong nagkakilala kung hindi ka nagpahangin sa labas."

Namula ang mukha niya. "Kasama niyo po siya nun?"

"Oo. Saktong kakalabas mo lang nung dumating si Jovanni." napapitik ito sa ere. "Sayang! Buntis ka na sana ngayon."

Natawa silang dalawa ni Damien. "Lolo. Wag mo kaming madaliin." saway ni Damien sa matanda.

"Aba! 85 na ako. Kailan pa ako magkakaapo? Ngayon na dapat agad!" tinaas baba pa nito ang kilay nito.

"Kailan ang kasal?" sabad ng Lolo Emmanuel niya.

She rolled her eyes. "Mas excited pa sila sa atin."

Natawa si Damien. "Sabi sa'yo totohanin na kasi natin."

Hinampas niya ito sa braso. "Siraulo ka talaga. Basta kasal muna."

"So.. kapag nag-propose ako.. you'll say yes?" nakangiting tanong nito sa kanya.

Umiling siya. "No."

Sumimangot ito. "Manligaw ka muna." she smirked.

Natawa ito. "Oo na. Malakas ka sa akin eh. I love you, dragona."

Inirapan niya ito. "Baliw."

"Teka.. Jovanni Cabriga? Diba yun yung photographer na nag-upload ng picture ni Navi na sobrang.. ano.. sexy?" tanong ng Kuya Noah niya.

Sinamaan ng tingin ng mga Kuya niya si Damien. Natawa siya. "Mamboboso kasi yan si Damien. Hobby niya."

Natawa si Damien. "Ikaw lang naman ang sinisilipan ko." hinalikan siya nito.

"GOOD MORNING!" masiglang bati sa kanya ni Damien.

She groaned loudly at itinapal ang unan sa mukha niya. "Ang aga aga mo kung makapanira ng araw."

"Dragona baby. Good morning!" tinanggal nito ang unan sa mukha niya at pinaulanan ng halik ang mukha niya.

Napangiti siya. "Siraulo ka talaga." she cupped his face and kissed him hard.

"Hmm.." nilaliman pa nito lalo ang halik.

Habol hiningang naghiwalay ang mga labi nila. Nakangiting nagtitigan silang dalawa. "I love you, Naveen ko." malambing nitong wika.

She gently caressed his face. "I love you too, Damien ko." malambing na sabi niya rito.

"Kain na tayo sa baba. Naghihintay na ang mga pamilya natin." he kissed her forehead.

"Maliligo muna ako." she pouted.

He chuckled. "Kahit hindi ka maligo maganda ka pa rin. Mabango ka pa rin." kinindatan pa siya nito.

Natawa siya. Pumaibabaw siya rito. Itinukod niya ang dalawang kamay niya sa may ulunan nito. "Talaga?" she bit her lip sexily.

He cleared his throat. "Y-Yeah." nakita niyang napalunok ito.

Picture Perfect (Damien Jovanni Cabriga & Kenna Naveen Cervantes)Where stories live. Discover now