Chapter 18

7.3K 185 8
                                    

"Are you hungry?" tanong sa kanya ni Fabrice habang nagbabasa ng mga papeles.

Umiling siya. "No."

"What do you want to do then?" tiningnan siya nito.

"Let's sleep." she pouted and leaned her head on his shoulder.

He chuckled. "I still have paperworks to finish, sweetie." he ruffled her hair softly.

She pouted cutely. "Can't it wait?"

Ngumiti ito at hinalikan siya sa noo. "I'll sleep beside you later when I finish this."

She can't help but sigh heavily. "Alright then. Do it quickly."

"I love you, Kenna!" pahabol nito.

Napangiti siya. Thank you for being there for me, Fabrice.

"SENYORITA Kenna! May dokumento pong dumating para sa inyo." nahinto sila sa paghaharutan ni Fabrice sa couch sa sala at napalingon silang dalawa sa isang kawaksi na may hawak na brown envelope. Napakunot noo siya. Wala siyang hinihintay na dokumento ngayong araw na ito.

"Who is it from?" tanong niya rito.

Tiningnan ng kawaksi ang envelope. "Wala hong nakalagay eh."

She sighed. "Thank you. You may go now." kinuha niya ang envelope rito at ipinatong iyon sa mesa.

"Aren't you going to open that?" sinundot ni Fabrice ang pisngi niya.

She shook his head. "Why?" kunot noong tanong nito.

"I don't really know whom it came from." she shrugged.

He pinched her cheeks. "Okay. Sabi mo eh." he smiled.

Humiga siya sa couch at tumitig sa kisame. "Psst, Fabrice." she placed her arm over her eyes.

"Hmmn?"

"Punta tayong Golden Ridge. Dun tayo mag-stay."

"Are you sure?"

"I think I'm ready to face him."

"Kaya mo na ba talaga? Are you ready to talk to him?"

"I'm ready to see him.. but not talk to him."

"Kailangan pa ba kitang samahan? Isn't this the time that I have to set you free?"

Tumingin siya rito. He was wearing a sad smile. "Fabrice.."

"Kenna, I've been waiting for this moment to come.. that you'll be able to face the man you love again. Alam kong kasalanan ko kung bakit nangyari ito sa inyo. Kung hindi ako nanggulo baka kasal na kayo ni Jovanni. Nagsisisi na ako, Kenna."

She sat up and held his hand. "Wala kang kasalanan, Fabrice."

Lumuhod ito sa harap niya at hinawakan ang pisngi niya. "Kasalanan ko, Kenna. At kahit hindi ko gusto, kahit hindi ko kaya.. pinapakawalan na kita. Mahal kita. And I would do anything to make you happy even if it's not with me." he gently kissed her forehead and smiled. "I love you, Ken Ken. Sana maging masaya ka sa piling ni Jovanni.. dahil kung hindi sisipain ko siya sa yagballs para hindi na siya makapag-reproduce ng offspring."

Mahigpit na niyakap niya ito. Hindi na niya napigilan ang kanyang mga luhang kusang kumawala sa mga mata niya. "I'm sorry na hindi ikaw ang pinili ko pero maniwala ka isa ka sa mga taong may espesyal na puwang sa puso ko. And for the past months wala kang ginawa kundi alagaan ako at pasayahin ako. I'm lucky to have you by my side. I'm blessed that God sent me a man like you. I love you, Fabrice."

He sighed. "I love you too, sweetie. Be happy, okay? I'm just a ring away. Call me if you need me." hinalikan siya nito sa pisngi. "Take care, my princess." he gently caressed her tear stained face and wiped her tears away.

Picture Perfect (Damien Jovanni Cabriga & Kenna Naveen Cervantes)Where stories live. Discover now