Chapter 11

2.9K 58 2
                                    

Chapter 11

Nikko's POV


This week na ang party. Bukas na ang uwi nila Tita Jean. Ayaw nila magpasundo sa amin ni Tiffany at baka daw busy kami. 


Nasa canteen ako ngayon and I'm with Tiffany. Hindi ko pa din makalimutan yung nangyari sa monthsary namin last last week. Yes, we did it again. Pinagdadasal ko na sana magka-anak na kami. Matagal tagal ko na rin kasama si Giana. Wala pa ring alam si Tiffany and she understands me kung bakit late ako umuuwi.


"Evol, sure kang ok pa tong pagkain na to?" tanong ni Tiffany.


Inamoy ko yung ulam namin. Ok pa naman ah.


"Yeah, it's still ok. Something wrong?" tanong ko sa kanya.


"Hmm.. Nothings wrong actually. Bili lang ako ng ulam ko." sagot niya sabay tayo.


I watched her as she walks back to the cashier. Napatingin ako sa ulam namin. Nilagang baka. Sa pagkakaalam ko favorite niya to pero bakit niya inayawan? Buntis ba siya?


Bumalik si Tiffany na may dalang kimchi at dolsotbap. Nagbebenta rin kasi ng korean foods dito sa canteen kaya may kimchi dito. Bakit? Eh kasi half korean si Papa at korean naman si Mama tas may mga koreano ring nagtratrabaho dito sa opisina.


"Yan na kakainin mo?" tanong ko sa kanya pag-upo at paglapag niya ng pagkain sa mesa.


Tumango siya.


"Bakit?" tanong ko ulit.


Ipinaghiwalay niya yung chopsticks bago sumagot.


"Eto lang kasi yung pumasa sa kumukulong tiyan ko eh." sagot niya.


Kumain na siya at kumain na rin ako. Iniisip ko pa lang na buntis si Tiffany eh natutuwa na ko. I'm still not sure kung buntid ba talaga siya but I'm praying for it.


Natigil ako sa pagkain ng mag-ring ang phone ko. Tumingin si Tiffany sakin. Isusubo niya na dapat yung kimchi niya ng magring yung phone ko. Na-distract ata.


"Excuse me lang Evol." sabi ko sabay tayo.


"Hello?" sagot ko sa phone ko.


"Nikko, asan ka?" si Giana.


"I'm with Tiffany dito sa canteen. Wag ka muna pumunta pwede?" inis kong sabi sa kanya.


"Too late dear. Nasa office mo na ko. Just ask your wife to leave." sagot sakin ni Giana sabay baba ng phone.


"Shit." bulong ko sa sarili ko.


Tinext ko si Eli na sunduin si Tiffany dito. Wala pa ring alam si Eli tulad ni Tiffany. I also asked Eli na ipasyal muna si Tiffany at mukhang malalate na naman ako ng uwi. Nagseselos rin ako minsan pag sa bahay ni Eli siya natutulog. I trust them. They won't betray me, right?

The Unexpected MarriageWhere stories live. Discover now