Chapter 20

3.1K 46 3
                                    

Chapter 20

Nikko's POV


I'm on my way to Eli's house. Hindi ko pa kasi alam bago niyang number pero ang sabi ni Irene sakin ay dun pa rin siya nakatira kasama si Tiffany. Oo, kasabwat ko si Eli pero di alam ni Tiffany yun. He gave me every information about Tiffany.


Tinapakan ko na agad ang break at lumabas ng kotse ng hindi pinapatay ang makina. Tumakbo ako papasok ng bahay ni Eli at saktong bumaba si Eli.


"Oyy tol! Problema mo?" tanong ni Eli sakin.


"Si Tiffany?" tanong ko sa kanya.


Napakamot siya ng ulo at ngumiti sakin.


"Umalis na dito pre eh. Ayaw niya daw akong idamay." sabi niya sakin.


"Idamay? Saan? Wala naman akong gagawin sayo ah." sagot ko sa kanya.


"Malay ko ba dun. Sinasabi ko sayo Nikko abnormal yang asawa mo." sabi ni Eli.


 Tinitigan ko si Eli ng masama at natawa na lang siya. Nawala ang tingin ko sa kanya at napunta sa hagdan dahil may narinig akong kalabog sa taas. Ano yun?


"Uhh... yung mga anak ni Irene yun! Pinabantayan sakin." sabi bigla ni Eli.


"Teka, san daw pumunta si Tiffany?" tanong ko kay Eli.


"Sa condo niya daw. Alam mo naman kung saan yun diba?" sabi niya.


Tumango na lang ako at tsaka tinapik siya sa balikat na para ko na ring sinabing aalis na ko. Tumango na lang din siya at pinasara na lang sakin yung pinto dahil umakyat na agad siya.


Sa ayaw at sa gusto ni Tiffany, babawiin ko pa rin siya.


Eli's POV


"Appa! Where's Eomma?!" sigaw ng kambal sakin. 


"She already left. Tsaka pwede ba magtagalog na kayo? Dumudugo ilong ko sa inyo eh." sabi ko.


Nagtinginan yung kambal sa isa't isa sabay tingin sakin.


"What?!" sabay ulit nilang sigaw.


"I said my nose is bleeding so please do speak tagalog." sabi ko sa kambal.


Tumango sila at tumakbo na ulit sa dining table. Akala ko magiging madali ang pag-aalaga ko sa kambal pero mali pala ako. Kaninang umaga pa ko kinakawawa nitong dalawang to eh. Palibhasa kasi lagi si Tiffany kasama nitong mga to eh.


Nagdr-drawing kasi silang dalawa kaya nandun sila sa dining table. Tinakbo nila ako bigla nung bumaba ulit ako ng hagdan para tanungin kung nasan yung nanay nila katulad ng ginawa nila sakin kanina. Alam ko na kung kanino mas nagmana tong kambal... Sa nanay nilang abnoy XD

The Unexpected MarriageWhere stories live. Discover now