Chapter 21

3K 50 3
                                    

Chapter 21

Nikko's POV


Kala ko mapapadali yung gagawin ko. Lumala pa pala. Aissht! Mukhang matatagalan...


At kung akala niyo'y umalis ako ng condo niya. No, hindi ako umalis. Mahihirapan pa ko lalo pag hinayaan ko siyang umalis ng condo niya. Wala na kong mapagtatanungan kung asan siya. Nandito lang ako sa pinto, chumichill.


"Pre, may kailangan ka?" tanong ng lalaking kanina pa ata nasa harap ko.


"Wala, ikaw may kailangan ka?" tanong ko sa kanya.


"Oo, may kailangan ako sa may-ari ng unit na yan. Anong ginagawa mo diyan kung wala kang kailangan sa best friend ko?" tanong niya ulit sakin.


Best friend?


"My wife didn't tell me na may best friend siyang lalaki." sabi ko sabay tayo.


"Ikaw? Ikaw yung tukmol na asawa ni Tiffany?" tanong niya na may halong pagkagulat.


Hayup to ah! Ako pa ngayon tukmol?


"Anong sabi mo?" sabi ko bigla.


Naramdaman kong bumukas yung pinto kaya napalingon ako sa likod ko. Nakita ko si Tiffany na nakasilip sa pinto at tumingin sakin at sa hayup na to.


"Is there something wrong out here? Nikko? Mikel?" tanong ni Tiffany.


"Wala." sabi ko at tumango naman to si Tiffany.


"Mikel, may kailangan ka?" tanong ni Tiffany sa best friend niya.


"Oo sana kaso nakalimutan ko na. Hahaha! Hindi mo sinabi sakin na eto pala yung tukmol mong asawa." sabi sakin nitong hayup na to.


Akmang lalapitan ko na ng hilahin ako ni Tiffany at magsalita.


"Mikel, a little respect please. He's still my husband." sagot ni Tiffany.


Biglang nagbago mood nitong "Mikel" ng marinig niya mula kay Tiffany yun.


"Sabi ko nga. Sige best, alis na muna ako. Magb-bar kami eh." pagpapaalam ni Mikel.


Weird... Ba't ganun umarte yung lalaking yun ng sabihin ni Tiffany na asawa niya ko. Truth hurts alam ko. Ganda kaya ng asawa ko. Kaso isa't kalahating gago ako kaya ganto sakin tong si Tiffany.


Pumasok na kami ni Tiffany sa loob. Umupo na ko sa sofa at akmang d-diretso siya sa kusina ng hawakan ko yung kamay niya at hinila siya paupo sa tabi ko kaso napakandong siya sakin.


"Eff... Nikko ano ba? Huhugasan ko pa yung plato!" sigaw sakin ni Tiffany.


The Unexpected MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon