Chapter 24

2.8K 40 4
                                    

Chapter 24

Tiffany's POV


"AAAAAHHHH!" sigaw ko. Hayy! Fresh air! Namiss kong pumunta dito sa resthouse nila Nikko. Nalaglag yung bag ko at nalapag ko sa buhangin. Tinanggal ko naman yung green wedges ko at binitbit.


Naglakad ako ng dahan dahan. Pinikit ko yun mata ko at naglakad hanggang sa umabot ako sa isang coconut tree. Huminga ako ng malalim. Grabee! Ngayon lang ulit ako nakalanghap ng sariwang hangin at payapang paligid.


Nagulat na lang ako ng may mga kamay na pumulupot sa bewang ko and kissed my cheek. Humarap ako kay Nikko. His hands still on my waist. Kumapit ako sa leeg niya at ipinagdikit naman ang mga noo namin. Sa mga tingin niya para akong hinihigop.


"Ba't ka sumugod agad dito? I told you to wait for me there. You can't just control yourself huh?" sabi niya sabay higit sakin lalo palapit sa kanya. Tinakpan ko yung mata niya gamit yung right hand ko sabay smack. Di ko pa rin tinatanggal yung kamay ko sa mata niya.


"Hahaha! Tiffany remove your hand. Pasikat na ang araw. I want to watch it with you." sabi niya. Siya na rin naman ang nagtanggal ng kamay ko tas inikot ulit ako meaning nakatalikod ulit sa kaniya. Niyakap niya ko lalo mula sa likod and he rested his chin on my shoulder.


Maya maya ay nakita naming umangat ang araw. We both smiled sa nakita namin. I don't know pero ang sabi nila ay romantic daw manood ng sunrise pero mas romantic para sakin ang sunset.


"Hoy! Nikko tara na! Kinuha ko na yung naiwan mo sa kotse niyo!" sigaw ni Andrew. Lumingon si Nikko sa kanya at tumango na lang. Umalis na si Andrew. Kumalas ako sa yakap ni Nikko at humarap sa kanya. 


"Tara na Nikko!" sabi ko sabay lakad na pabalik.


Natigil ako sa paglalakad ng bigla akong buhatin ni Nikko ng bridal style. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa resthouse pero huminto siya saglit para pulutin yung bag ko na nasa buhangin tas naglakad na ulit siya.


"Hoy! Wala pang kasal ah!" sigaw ni Zia nang makita niya kaming pumasok sa loob ng resthouse.


Tumawa na lang si Nikko at dumaretso sa likod ng resthouse. Baliw rin to eh. Pwede namang doon na lang dumaretso kanina. Kaso yung bag ko nga pala.


"Suot mo wedge mo Tiffany bago kita ibaba." sabi ni Nikko. Kinuha ko yung wedge ko at sinuot. Tinulungan pa ko ni Nikko at nung naisuot ko na, binaba niya na ko. Takte buti naka pants ako. 


"Ba't ka dumaretso dito? Gagawin natin dito?" tanong ko habang inaayos yung damit kong medyo nagusot.


"Kimchi!" tawag ni Nikko. Nagulat naman ako sa biglang pagtawag niya.


Si Kimchi, yung aso namin ni Nikko noong 3rd year High School kami. Hindi namin alam ni Nikko ang lahi ni Kimchi dahil napulot lang namin siya on our way home. Dinala namin siya dito sa Batangas dahil di ko pa kaya mag-alaga ng aso kaya pinaalaga na lang ni Nikko.

The Unexpected MarriageWhere stories live. Discover now