Chapter 15

3K 54 5
                                    

Chapter 15

Tiffany's POV


"All set? Wala ka na bang iba pang nakakalimutan?" tanong sakin ni Eli.


Inisip ko muna kung may nakalimutan nga ako. Kumpleto na yung damit ko. Cellphone, wallet, airplane tickets ano pa ba? Hmm...


"I don't have my passport..." sagot ko tsaka umupo sa kama. Sinuklay ko yung buhok ko gamit yung kamay ko.


Yumuko si Eli sa harap ko at may kinuha sa likod niya. Iniabot niya sakin yun at tinignan ko lang siya. Ginalaw niya yung hawak niya as a sign na kunin ko na. Passport ito. A new one. Binuklat ko yung passport and I saw a new name.


"Sakin ba talaga to Eli? Na-typo ba yung gumawa ng passport na to?" tanong ko sa kaniya.


"No, that's literally yours. I asked them to change your name so Nikko won't be able to find you." sabi niya sakin.


Tinignan ko ulit yung passport. The picture is me with red hair just how I look now. Pinastraight ko ang medyo curly ko na buhok at pinakulayan ng pula. I want to start again. Tipong hindi ko nakilala si Nikko.


Honestly, it hurts. Masakit at ang hirap kumalimot lalo na't minahal mo siya. I tried this once. Nung una niya kong niloko and I failed. Sana naman makalimutan ko na siya cause the pain kills me. It kills me so bad at parang nagagawa ko lang lumaban dahil sa dinadala ko.


I'm pregnant with Nikko's child. This is my fourth week. Signs of pregnancy are starting to show. I can't help but think kung anong magiging buhay ng anak namin kung wala si Nikko. Eli asked me to come with him back to London and raise this child with him. Pumayag ako since this child needs a father.


Today's the day. I'm leaving for good.


Tumayo na ko ng kama at kinuha yung bag ko na laman ay ang mga gamit ko like wallet and cellphone.I changed my number dahil pwede akong mahanap ni Nikko sa number kong yon. I threw my phone when he talked to me for the last time.


Bumaba na kami ni Eli ng bahay. He insists on lifting my baggage kaya sumakay na ko sa backseat dahil may driver kami. Matapos ilagay ni Eli ang mga gamit, sumakay na rin siya sa tabi ko at tsaka kami umalis. I begged the driver to stop by my house. Me and Nikko's house.


"Why? Do you need to get something?" tanong sakin ni Eli.


Umiling ako at tsaka sumagot.


"No, I-I just wanna look at it for the last time." sagot ko.


We did stop by at our house. Ang tahimik. Napupuno ng tili at tawanan namin ni Nikko ang bahay na to noon. What happened now? In just a single mistake that was repeated ay nagawa kong tanggalin ang tiwala sa taong mahal ko.


He was my everything pero anong nangyari?


The Unexpected MarriageWhere stories live. Discover now