Epilogue ♥

5.7K 81 12
                                    

Epilogue ♥

Nikko's POV

"Good Morning Appa!" sabay na bati nung dalawa sakin.


Lumapit sila sakin kaya yumuko ako at sabay pa silang humalik sa pisngi ko. Nasa kusina ako kaya umupo muna yung kambal sa upuan na nasa counter island ng kusina. Ako na nagluto dahil busy yung mga maids ko sa utos ko na maglinis ulit sila ng mansyon.


"Appa, alam niyo po ba na naiilang pa rin po ako sa paglipat dito sa mansyon ni Lolo? Ang laki laki po kasi masyado. Di ako sanay." sabi ni Jace sabay kamot sa ulo niya.


Natawa na lang ako sa sinabi niya. Oo, lumipat kami sa mansyon ni Papa. 4 years na actually  pero di pa rin sanay tong si Jace. Hanggang kwarto, sala, kusina, garden, cr lang siya. Yun lang ang alam niyang puntahan dito except kay Ina, ang anak kong dora na halos alam na lahat kung saan tutungo yung pinto.


Binigay ko sa kanila yung plato nila na may pagkain na at kakainin na lang nila. Kinuha ko na rin sa ref yung juice at kumuha ng baso. Sila na bahala kumuha ng inumin nila dahil gagawan ko pa sila ng baon. Takte kasi yung nanay nila tulog pa sa taas.She's been like that since last last week. Parang laging puyat tas nahihilo't nasusuka pa raw siya.


"Appa, asan nga po pala si Eomma? Ba't kayo po nagawa ng baon namin?" tanong ni Ina bago sumubo ulit ng pagkain niya.


"Tulog pa ang magaling ninyong nanay. Let her sleep." sabi ko at ibinalot na yung baon nila at nilagay sa lunch box nila.


"Ina, first classes na naman natin to no? I can't wait to see Bianca and Ate Cyrille again. Namiss ko sila." sabi ni Jace at uminom ng juice. Tumango naman si Ina as a sign that she agrees.


Si Bianca at Cyrille, kaya hindi nakikita nila Ina at Jace yung magkapatid noon dahil matapos ng isang buwan pagkatapos ng kasal namin ni Tiffany ay nagpaalam saglit si Irene at mawawala raw nga siya ng apat na taon. She called us last week na nakauwi na sila at tinanong kung saan nag-aaral sila Ina.


Irene is doing good.  Nakahanap na siya ng lalaking mamahalin siya tulad raw ng pagmamahal ko kay Tiffany. She said that it is the other reason kung bakit siya umalis. She's now dating the guy for 4 years straight and I can see na seryoso sila sa isa't isa. Good for her.


Ang tropa ko naman?


Buhay at gago pa rin sila. Si Eli at Jade ay kasal na habang si Ethan and Zia ay engaged. Kinasal sila Eli a year after our wedding. Umeksena lang si Ethan nung reception kaya mas lalo kaming nagkatuwaan.


Si Andrew at Angelique? Ayun parang mga tanga dahil walang tigil ang away-bati nila. Tinanong ko si Andrew kung pakakawalan niya pero sabi niya hindi daw. May balak pa raw siyang itali si Angelique sa kanya, pinagttripan niya lang muna ito na wala raw siyang balak. Kitams? Gago diba?


Kami nila Tiffany? After our wedding, we both decided to live here for good. Marami daw bad memories ang bahay so we had to sell it away. Wala pa kaming natatanggap na nakalaya na si Giana but I heard na si Zane, na kapatid pala ni Giana ay kasama ng kanyang ama for good.

The Unexpected MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon