Araw ng Sabado, hinatid ng personal ni Ricardo si Maya sa condo unit na tinutuluyan ni Kevin.
Mukhang wala si Kevin." sabi ni Ricardo nang pumasok sila dito. Sumunod lamang si Maya pagpasok nila sa loob. Pinuntahan nila ang magiging silid ni Maya, katabi lamang ng silid ni Kevin.
"Dito ka na tutuloy habang nag-aaral ka." sabi pa ni Ricardo. "Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka pa. Pinamili na kita ng mga gamit at damit mo at nakahanda na lahat yan doon sa cabinet." patuloy pa nito.
"Marami pong salamat." sagot ni Maya.
"Ikaw na bahalang mag-ayos ng mga personal na gamit mo." sabi pa ulit ni Ricardo. "At ito pala, cellphone. Tawagan mo lamang ako kapag may kailangan ka pa." dagdag pa nito at iniabot ang nasabing mobile phone.
"Marami po talagang salamat!" masayang tugon ni Maya.
"Mauna na ako dahil may importante meeting pa akong pupuntahan. Magtetext na lamang ako kay Kevin na nandito ka na." sabi naman ni Ricardo at pagkatapos ay umalis na rin agad.
Lumapit si Maya sa cabinet at nagulat na maraming damit na ang nakalagay doon. Lumabas siya saglit sa kanyang silid at nilibot ang nasabing condo unit. Tumingin siya sa labas ng bintana at namangha siya sa kanyang nakita.
"Wow!" ang kanyang nasambit dahil kitang-kita mula sa condo unit halos ang buong Makati. Nabili ni Ricardo ang penthouse ng condo na sikat sa Metro Manila. "Hindi ako makapaniwala na nandito ako." sabi pa niya sa kanyang sarili.
Naalala bigla ni Maya ang kanyang tatay at ang mga paghihirap na dinanas nito nang ito'y magkasakit.
"Sana kasama kita dito 'tay." sabi pa ni Maya sa kanyang sarili at halata sa mga mata nito ang kalungkutan.
"Hindi ko po kayo bibiguin, 'tay. Pagsisikapan ko po ang aking pag-aaral para hindi masayang ang opportunity na binigay sa akin ni Sir Ricardo." sabi pa nito. Naisip nito na huwag umasa ng lubos kay Ricardo at napagdesisyunan na magpaalam dito na kung maari ay magpart-time job siya upang magkaroon ng sariling pera pang-gastos araw-araw. Naisip kasi nito na sapat na ang patirahin siya sa isang marangyang condominium at sagutin at matrikula at hinayaang makapag-aral sa isang exclusive school.
"Babalik ako sa mansyon bukas upang makapagpaalam ng personal." sabi pa ni Maya.
Natigil ang pagmumuni-muni niya nang biglang bumukas ang pinto. Napalingon siya at nakitang si Kevin ang pumasok.
"Good afternoon po!" magalang na bati ni Maya sa binata.
"Nandito ka na pala." matipid na sagot ni Kevin. Matamis na ngiti lamang ang tugon ni Maya dito. Naramdaman niyang bumilis ang tibok ng puso nito nang makita ulit ang gwapong binata. Aminado siyang sa unang pagkakataon na makita niya ang binata ay na-attract na talaga siya dito. Hindi ito makapaniwala na makakasama niya pa ito sa condo unit. Feeling niya ay parang nasa heaven siya.
"Hay!" ang nasabi na lamang ni Maya sa kanyang sarili at patuloy ang pagde-daydream.
Dere-derecho namang pumasok si Kevin sa kanyang silid ngunit bago ito pumasok ay bigla itong nagsabi kay Maya.
"Hindi porket hinayaan ka ni daddy na patirahin ka dito ay masaya ako sa desisyon niya." sabi ni Kevin kay Maya at pagkatapos ay malakas na sinara ang pinto nito.
Natigilan at nagitla naman si Maya sa tinuran ni Kevin. Hindi ito makapaniwala na sa kagwapuhan niyang iyon ay magaspang pala ang ugali.
"Mukhang hindi magiging heaven ang buhay ko with him." ang nasabi na lamang ni Maya.
Bumalik at pumasok na lamang si Maya sa kanyang silid dahil parang nasindak na siya kay Kevin. Kinuha nito ang remote ng TV at naghanap ng pwedeng mapanood. Ilang saglit pa ay nadinig niyang kumukulo na ang kanyang tiyan sa gutom. Naalala nitong agahan pala ang kanyang huling kinain. Dahan-dahan siyang lumabas ng kanyang silid at sinilip kung nandoon si Kevin.
YOU ARE READING
Stuck with Mr Snobbish
RomanceAminado naman ang bading na si Maya na attracted na siya noong una pa lamang silang magkita ng gwapo ngunit supladong binata na si Kevin. Ngunit gugulo ang mundo niya nang mapilitan siyang makasama ang binata sa iisang bahay dahil sa isang hindi mai...