Nasa loob ng sasakyan sina Kevin at Maya at bumibiyahe patungong Greenbelt.
"Bakit mo naman naisipang yayain akong mag-dinner?" tanong ni Maya.
Napatingin naman si Kevin kay Maya habang nagmamaneho.
"Wala lang." sagot nito.
"Weh?" pag-uusisa ni Maya.
"Oo nga." sagot ulit ni Kevin.
Hindi kumbinsido si Maya.
"Hindi ako naniniwalang wala lang." sabi pa nito. "Sa suplado mong yan?!" dagdag pa nito.
"Ganon ba talaga ako ka-suplado?" wika naman ni Kevin. "Hindi naman ah?!" sabi pa niya.
"Wow ah!" natatawang sabi naman ni Maya. "Ikaw lang ang nagsabi niyan." dagdag pa nito.
"I'm just being me." sabi naman ni Kevin. "Hindi ko lang siguro ugaling makipag-kaibigan kung kani-kanino. I usually keep my circle of friends small so I usually don't trust people." paliwanag pa nito.
"So I was fortunate na makasama diyan sa circle of friends mo." sagot ni Maya. "Am I?" dagdag pa niya.
"Oo naman." wika ni Kevin. "Yayain ba kitang mag-dinner kung hindi?"dagdag pa nito.
"So bakit mo nga ako niyayang mag-dinner?" tanong ulit ni Maya.
"Sinabi ko na hindi ba kung bakit." sagot ni Kevin. "May extrang allowance na binigay sa akin si dad." patuloy pa nito.
"Sige na nga, paniniwalaan ko na yang rason mo." wika ni Maya.
Katahimikan ang nangibabaw ng ilang saglit. Seryosong nakatingin si Kevin sa daan habang nagmamaneho habang nakatingin sa may bintana si Maya habang tinatanaw ang kanilang dinadaanan.
"At saka feeling ko malungkot ka ngayon kaya naisipan kong yayain kang kumain sa labas." wika ni Kevin. "Naalala ko ang sinabi mo sa akin noon na hindi mo pa nasusubukang kumain sa isang fine dining restaurant kaya niyaya mo ako noon kumain pero inindyan naman kita." patuloy pa nito. "So babawi ako ngayon." dagdag pa niya.
Napatingin naman bigla si Maya kay Kevin at hindi alam ang sasabihin nito. Napahawak ito sa kanyang dibdib habang dinadama ang mabilis ng tibok ng kanyang puso.
"Salamat!" ang nasabi na lamang ni Maya.
Tumingin naman si Kevin kay Maya at ngumiti at tinugon dito.
"Mas gwapo ka pala kapag nakangiti." sabi ni Maya sa binata.
"Gwapo naman ako, noon pa." sagot naman ni Kevin.
"Oo nga." pagsang-ayon ni Maya. "Pero ang sabi ko, mas gwapo ka kapag nakangiti." patuloy pa nito. "Kung alam mo lang, matagal ko na gusto makita ang mga ngiti mo." dagdag pa nito.
Nandilat ang mga mata nito dahil hindi makapaniwalang nasabi niya iyon sa harap ni Kevin.
"Hayaan mo, lagi na kitang ngingitian." sagot naman ni Kevin. "Huwag ka lang maiinlove sa mga ngiti ko. Contagious kasi yan." biro pa nito.
"Wow ah!" wika naman ni Maya. "Don't worry, I won't!" dagdag pa nito.
Ngumiti naman ulit si Kevin.
"Don't worry, I won't stop liking you, 'Mister Snobbish'." ang nasambit ni Maya sa kanyang sarili.
Ilang saglit pa ay nakarating na sila sa parking lot ng Greenbelt.
"Tara na Simang." biro ni Kevin kay Maya at niyayang bumaba na ng sasakyan upang magtungo na sa nasabing fine dining restaurant.
"Ito na, Snobbish!" sagot naman ni Maya.
Naunang bumaba si Kevin at mabilis na nagtungo sa kabilang pintuan ng kotse upang alalayan bumaba si Maya.
"May ganyan talaga?!" wika ni Maya nang makitang iniaabot ni Kevin ang kamay nito habang bumababa siya ng sasakyan.
"Gentleman lang ako." sabi naman ni Kevin. "At saka 'di ba sabi mo, isa kang babae." dagdag pa nito.
"Sige na nga." wika ni Maya at iniabot ang kamay ni Kevin.
Para siyang nakuryente nang mahawakan ang malambot na kamay ng binata.
"Totoo ba ito?" tanong ni Maya sa kanyang sarili. "Itong si 'Mister Snobbish' ay kasama ko ngayon." patuloy pa nito. "Sana hindi na matapos ang gabing ito." dagdag pa niya.
Tumingin si Maya kay Kevin at nakita niyang nakangiti ito sa kanya.
"Shall we?" sabi pa ni Kevin sa kanya.
"Ok." sagot ni Maya at pagkatapos ay naglakad na sila patungo sa restaurant.
BINABASA MO ANG
Stuck with Mr Snobbish
RomanceAminado naman ang bading na si Maya na attracted na siya noong una pa lamang silang magkita ng gwapo ngunit supladong binata na si Kevin. Ngunit gugulo ang mundo niya nang mapilitan siyang makasama ang binata sa iisang bahay dahil sa isang hindi mai...