Chapter 33

10.6K 309 9
                                    

Masiglang bumangon si Maya sa kanyang higaan dahil iyon ang araw kung kailan sila kakain sa labas ni Kevin. Buong linggo niyang iniisip ang mangyayari sa araw na iyon dahil excited siya dito. Nagtungo ito sa kusina at nagluto ng agahan nila ni Kevin. Inisip nito ang mga gagawin rin sa araw na iyon.

"Magpaalam kaya ako na huwag muna pumasok ngayon sa coffee shop?" wika ni Maya sa kanyang sarili. "Pero sayang naman dahil wala rin naman akong gagawin ngayon at ako pala ang magbubukas ng store." dagdag pa nito.

Habang nagluluto ay nadinig nitong lumabas mula sa kanyang silid si Kevin. Nakita niya itong bagong gising kaya hindi niya na lang muna binati dahil baka wala sa mood ito at nagpatuloy na lamang sa kanyang pagluluto.

Nagulat ito nang una siyang kausapin ng binata.

"Magkita na lang tayo mamaya sa Greenbelt." sabi ni Kevin sa kanya.

"Anong oras? Papasok din kasi ako ngayon sa coffee shop." tanong pa ni Maya.

"Ok lang ba mga 8PM?" sabi ni Kevin.

"Sige." sagot ni Maya. "Magpapaalam na lang ako kay Raphael na mag-out ako ng maaga today." dagdag pa nito.

"Sige." sagot din ni Kevin. "Wala pa naman kami plano ni Brenda ngayon.Kapag hindi siya nagyaya umalis ngayon, susunduin na lang kita doon sa coffee shop." dagdag pa nito.

"Ay huwag na!" mariing tanggi ni Maya. "Kailangan ko rin umuwi muna dahil kailangan ko mag-ayos at magpalit ng damit dahil ayaw ko naman magmukhang alalay mo doon sa Greenbelt." dagdag pa nito.

Natawa naman bigla si Kevin sa sinabi nito.

"Sige, mamaya na lang." sagot ni Kevin.

"Nagluto na ako ng breakfast." sabi naman ni Maya. "Kumain na kayo. Babalik na ako sa kwarto ko dahil kailangan ko na mag-ayos dahil ako ang magbubukas ng shop." dagdag pa nito.

"Salamat." sagot ni Kevin at nagtungo na sa lamesa upang kumain.

Nagtungo naman si Maya sa kanyang silid upang maligo at mag-ayos ng sarili upang makapasok na sa kanyang trabaho.

Maagang nagtungo si Raphael sa coffee shop upang tulungan si Maya magbukas ito. Ngunit nang magpunta siya ng shop ay nakita nito si Brenda at hinihintay siya sa labas.

"What are you doing here?" tanong ni Raphael sa dalaga.

"I was waiting for you." sagot nito sa kanya. "Pwede ba tayo mag-usap sa ibang lugar?" tanong pa niya.

"I need to help Maya open the shop today." sagot ni Raphael.

"Please?" pagsusumamo naman ni Brenda.

"Ok." sagot ni Raphael. "I will just call him." dagdag pa nito at kinuha ang cellphone nito at tinawagan si Maya.

Sinagot naman ni Maya ang tawag nito.

"Papunta na po." sabi agad ni Maya nang sagutin ang tawag nito inaakalang tinawagan siya nito upang hanapin.

"Ok lang ba Maya na ikaw muna ang magbukas ng shop?" tanong ni Raphael.

"Ay bakit po?" gulat na tanong ni Maya.

"May importante lang akong pupuntahan." sagot ni Raphael.

"Ganon po ba?" wika ni Maya. "Sige po." dagdag pa nito.

"Salamat." sagot naman ni Raphael at pagkatapos ay binaba na ang tawag.

Pagkatapos kausapin si Maya ay nagkasundo na sina Raphael at Brenda na mag-usap sa ibang lugar.

Nagtungo ang dalawa sa Bonifacio High Street at nagkasundo na doon na lamang kumain ng kanilang agahan habang nag-uusap.

"So what do you want to talk about?" tanong ni Raphael kay Brenda.

Stuck with Mr SnobbishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon