Chapter 54

8.7K 316 13
                                    

Nagulat si Raphael nang makita si Maya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Raphael dito.

Nag-iisip naman si Maya kung sasagot dahil naiilang ito sa binata dahil hindi siya masyado pinapansin ng binata nitong mga nagdaang araw.

"Sinamahan ko si Kevin na magpunta dito kasi tinawag siya ng magulang ni Brenda." sagot ni Maya. "Pauwi na rin ako." dagdag pa nito.

"Nasa loob si Kevin?" tanong ulit ni Raphael.

"Oo." sagot naman ulit ni Maya at tumitingin sa malayo, pilit umiiwas kay Raphael, at tumitingin ng taxi na masasakyan.

"Hatid na lang kita sa inyo." wika naman ni Raphael.

"Ay! Hindi, ok lang." sabi naman ni Maya at naglakad palayo.

Isinara bigla ni Raphael ang pinto ng kanyang sasakyan at hinabol si Maya.

"Maya!" tawag pa nito at lumapit dito. "Hahatid na kita." sabi pa nito at kinuha ang kamay nito.

"Ok nga lang ako." sagot ni Maya at mabilis na binawi ang kamay nito. "At saka ayaw kong makaabala pa sa'yo." dagdag pa nito.

Naisip ni Raphael na kaya nagkakaganyan si Maya ay dahil sa pag-iwas nito.

"Hahatid na kita dahil anong oras na rin." sabi pa ni Raphael. "Baka mapahamak ka pa sa daan. At tignan mo, wala na masyadong masasakyan dito." dagdag pa nito.

Napatingin naman si Maya sa kanyang relo at nakitang halos maghahating-gabi na pala.

Natakot bigla ito nang maisip na magbiyahe mag-isa kaya pumayag na rin ito sa alok ni Raphael.

"Sige." wika ni Maya.

"Sumakay ka na sa kotse." utos naman ni Raphael. "Magpapakita lang ako sa mga magulang ni Brenda." patuloy pa nito.

Sumunod naman si Maya at sumakay sa likod ng sasakyan ni Raphael at nagtungo naman ang binata sa bahay nina Brenda.

Pagkatapos ang ilang saglit ay lumabas na rin ang binata mula sa loob ng bahay nina Brenda at sumakay na sa sasakyan nito.

Nagulat ito nang makita nasa likod si Maya.

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Raphael.

"Hinihintay ka." sagot naman ni Maya.

"Dito ka sa harap sumakay." sabi ni Raphael. "Huwag mo akong gawing driver." dagdag pa nito.

Parang napahiya naman si Maya sa sinabi ni Raphael kaya lumipat na rin agad ito sa harap katabi ang binata.

At nang makalipat na si Maya at bumiyahe na sila.

Katahimikan ang nangibabaw sa pagitan nila.

Si Raphael ang bumasag ng katahimikan.

"Anong ginagawa ninyo ni Kevin doon?" tanong nito.

"Huh?!" sambit ni Maya. 

"Tinawag din ba siya ng mama ni Brenda?" tanong pa ulit ni Raphael.

"Oo." matipid na sagot ni Maya.

"Eh bakit kasama ka pa?" tanong ulit ni Raphael. "Tapos pinauwi ka rin mag-isa?" patuloy pa nito.

"Galing kaming Greenbelt ni Kevin." sagot ni Maya. "Tapos biglang tumawag ang mama nga ni Brenda at nakiusap na puntahan nga nito si Brenda kasi nga hindi naglalabas ito sa kanyang kwarto. Eh wala naman akong gagawin doon kaya umuwi na lang ako." paliwanag pa nito.

"Magkasama kayo ni Kevin kanina sa Greenbelt?" tanong pa ulit ni Raphael.

"Oo." matipid na sagot ni Maya.

"Hindi man lang ihatid ni Kevin itong si Maya." sambit ni Raphael sa kanyang sarili at nakaramdam ng pagkainis kay Kevin.

"Eh ikaw? Bakit nagpunta ka kina Brenda?" tanong naman ni Maya.

"Tinawagan din ako ng mama ni Brenda at sinabi nga ang lagay nito. Nakiusap sa akin na kausapin ko ang anak nila dahil nag-aalala na sila sa lagay nito." sagot nito. "Eh noong sinabi mo sa akin na nagpunta na si Kevin, nagsabi na ako sa mama nito na mas mabuting si Kevin na lang ang makasama nito." patuloy pa nito.

"Ok." matamlay na sagot naman ni Maya dahil naisip nitong magkasama na naman sina Kevin at Brenda.

Nalungkot si Maya dahil kanina lamang ay sobrang saya niya dahil kasama niya si Kevin ngunit naglaho agad lahat iyon isipin nitong kasama ngayon ni Kevin si Brenda.

Napansin naman ni Raphael ang tamlay ni Maya.

"Ok ka lang?" tanong ni Raphael.

Napatingin naman si Maya dito.

"Ok lang." sagot nito.

Tinitigan naman ni Maya si Raphael.

"Eh ikaw, ok ka lang?" tanong naman ni Maya kay Raphael.

Kumunot naman ang noo ni Raphael.

"Oo naman." sagot ng binata. "Bakit mo natanong?" sabi pa nito.

"Feeling ko kasi eh iniiwasan mo ako nitong mga nagdaang araw." sagot ni Maya. "Tulad ng isang araw, hindi ka lumapit sa akin doon sa classroom. Tapos wala ka sa coffee shop." paliwanag pa nito.

Naisip ni Raphael na mahahalata talaga ni Maya ang pag-iwas nito ngunit napagdesisyunan nitong itanggi iyon dahil ayaw niyang mag-isip pa ito.

"Hindi naman." sagot ni Raphael. "Busy lang talaga ako masyado ngayon." dagdag pa nito.

Napayuko naman si Maya.

"I'm glad." wika pa nito. "Pero sana kung may problema or may nagawa akong mali sa'yo, sabihin mo agad sa akin para naman kahit paano ay makahingi agad ako ng sorry sa iyo." patuloy pa nito.

Napatingin naman bigla si Raphael kay Maya sa sinabi nito.

Parang batang ti-nap nito ang ulo nito.

"Huwag kang mag-isip nang kung anu-ano." sabi ni Raphael dito. "Busy lang talaga ako." dagdag pa nito.

Tumingin naman si Maya kay Raphael at ngumiti.

"I'm glad to know na hindi ka galit sa akin." sabi pa nito.

Bumilis naman bigla ang tibok ng puso ni Raphael nang makitang nakatingin at nakangiti sa kanya si Maya.

"What am I feeling?" tanong ni Raphael sa kanyang sarili.


Stuck with Mr SnobbishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon