During lunch time, magkasama ang magkaibigang Raphael at Maya sa cafeteria ng campus.
Habang kumakain ay parang lutang ang pag-iisip ni Maya.
"Nagawa mo na ba yung mga code na pinapatapos sa'yo ni Mister Domingo?" tanong ni Raphael kay Maya.
Si Maya ay parang hindi nadinig ang tanong ni Raphael at titig lamang sa kawalan.
"Hoy, Maya!" sabi pa ni Raphael. "Nadidinig mo ba ako?" tanong pa ulit nito.
Wala pa ring sagot na nakuha mula kay Maya.
"Hoy! Lumilipad na naman ang isip mo diyan!" sabi pa ni ulit ni Raphael.
Nandilat naman ang mata ni Maya sa gulat.
"Ay! Ano yun?" wika ni Maya at halata ang pagkabigla.
"Nagawa mo na ba yung mga code na pinapatapos sa'yo ni Mister Domingo?" inulit ulit ni Raphael ang tanong niya kanina.
"Oo." sagot ni Maya. "Ipapasa ko na nga sa kanya mamaya pagkatapos natin kumain." patuloy pa nito.
"Bakit parang wala ka sa sarili mo ngayon?" tanong pa ulit ni Raphael. "Kanina ko pa napapansin na lumilipad ang isip mo ngayon." dagdag pa nito.
"Huh?! Hindi naman." pagtanggi ni Maya.
"Anong hindi? Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo ako sinasagot." wika ni Raphael.
"May naisip lang ako." sagot ni Maya.
Hindi na lamang inusisa ni Raphael si Maya kung ano ang iniisip nito at nagpatuloy sa kanyang pagkain.
Ilang saglit pa ay si Maya na rin ang kusang nag-open up kay Raphael.
"Si Kevin kasi." bungad ni Maya.
Tumingin naman si Raphael dito habang kumakain at hinihintay ang susunod sa sasabihin nito.
"Napapansin ko kasi recently na nagiging masyadong mabait na siya sa akin." patuloy ni Maya. "Hindi ako sanay." dagdag pa nito.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Raphael.
"Honestly kasi, nag-decide na akong umiwas sa kanya kasi nga alam kong bad news lamang siya." sabi ni Maya. "Pero nitong mga nagdaang araw, nagiging mabait na siya sa akin. Tulad noong nasa retreat house tayo." patuloy pa nito.
Nakatingin lamang si Raphael.
"Lalo ko tuloy hindi maiwasan ang mahulog sa kanya ng todo." sabi pa ni Maya.
"I hope you're aware kung ano ang patutunguhan ng feelings mo na yan." wika naman ni Rapahel.
"I do!" sagot ni Maya. "Pero anong gagawin ko? Kahit anong iwas ang gawin ko, nandiyan siya." dagdag pa nito.
Uminom muna si Maya ng iced tea mula sa kanyang baso bago nagpatuloy.
"Minsan nga pakiramdam ko na parang intensyon niya talagang mahulog ang loob ko sa kanya sa hindi ko alam na kadahilanan." sabi pa ni Maya.
"Baka naman assuming ka lang?" tanong pa ni Raphael.
"Sana nga." sagot ni Maya. "Dahil ayaw kong mahulog sa kanya ng lubusin and in the end, ako ang talo." dagdag pa nito.
"Huwag ka na lang mag-expect para hindi ka ma-disappoint." payo ni Raphael.
"I will." sagot ni Maya. "Minsan nga naiisip ko na parang mas maganda yung time na iniisnab-isnab niya lang ako at parang wala lang ako sa buhay niya." sabi pa niya. "Kasi tulad ng isang beses, sinabihan niya ako na hindi totoong wala lang ako sa kanya. So ano ba iisipin ko sa sinabi niya na iyon?" patuloy pa nito.
BINABASA MO ANG
Stuck with Mr Snobbish
RomanceAminado naman ang bading na si Maya na attracted na siya noong una pa lamang silang magkita ng gwapo ngunit supladong binata na si Kevin. Ngunit gugulo ang mundo niya nang mapilitan siyang makasama ang binata sa iisang bahay dahil sa isang hindi mai...