"Sir Kevin!" ang nasambit ni Maya nang malamang nag-aapoy ito sa lagnat nang hipuin niya ito.
Mabilis na nagtungo si Maya sa kusina at kumuha ng gamot at ice bag upang gamitin kay Kevin. Pagbalik nito sa silid ng binata ay pilit niya itong pinainom ng gamot. Dahil hinang-hina sa sakit, sumunod na lamang si Kevin at ininom ang gamot na binigay sa kanya ni Maya. Nagbalik si Maya sa kusina nang mailagay ang ice bag sa noo nito at kumuha ng tubig sa palanggana at bimpo upang tulungan pababain pa ang lagnat nito.
Nang magbalik ulit si Maya sa silid ni Kevin ay nakita nitong halos ubos na ang yelo sa ice bag na nilagay nito. Kinuha nito ang ice bag mula sa noo ng binata at pinalitan ng tubig na may bimpo upang bumaba ang lagnat nito. Nagulat si Maya nang biglang hablutin ni Kevin ang kanyang mga kamay.
"Mommy!" sabi ng binata habang hawak ang kamay ni Maya.
Naalala bigla ni Maya ang portrait na nakita nito sa mansyon.
"Baka yun nga ang mommy niya. Nasaan na nga kaya sila?" tanong pa ni Maya sa kanyang sarili.
Patuloy pa rin si Maya sa pagpunas ng noo ni Kevin at binantayan niya talaga ito. Dahil sa pagod ay hindi na rin napigilan ni Maya ang makatulog sa gilid ng kama ni Kevin.
Ilang oras pa ang nakalipas ay humupa na rin kahit paano ang lagnat ni Kevin at naalimpungatan ito. Nagulat ito nang makita niya si Maya na nakatulog sa gilid ng kanyang kama katabi ang palangganang may tubig. Napansin din nito ang bimpo na nakalagay sa kanyang noo. Naisip nito na si Maya ang nag-alaga sa kanya buong magdamag. Naalala nito ang nangyari noong araw na iyon.
Late na siya nagising dahil masama ang pakiramdam niya. Nagtungo siya sa kusina upang kainin ang nilutong pagkain sa kanya ni Maya. Balak pa sana niyang pumasok sa eskwelahan ngunit nang maramdamang hindi kakayanin ng katawan niya ay nagbalik ito sa kanyang silid upang magpahinga. Pagkatapos niyon ay wala na siyang maalala at nang magising siya ay nakita nitong nasa gilid na ng kama niya si Maya. Dahil antok at nanghihina pa rin mula sa sakit, nagbalik na lang ito sa pagtulog.
Nagising si Maya nang maramdamang may liwanag nang pumapasok mula sa bintana ng silid ni Kevin. Bumangon ito at hinipo ang noo ng binata upang tignan ang lagay nito. Napalagay na ang loob nito nang maramdamang wala na ang lagnat ng binata. Nagtungo ito sa kusina upang ipagluto ng mainit na soup ang binata. Nagluto na rin ito ng agahan at pagkatapos ay kumain na rin ito. Naglagay naman ng soup sa isang tasa si Maya at dinala sa silid ni Kevin. Pagbalik nito ay nakita nitong mahimbing pa rin natutulog ang binata. Tumibok ng mabilis ang kanyang puso nang makita ang natutulog na mukha ni Kevin.
"Mas gwapo ka pa talaga kapag ganyan, napakaamo ng mukha mo kapag natutulog." sabi ni Maya sa kanyang sarili. "Kailan ko kaya makikita ang matamis mong ngiti sa akin." dagdag pa nito.
Inilagay nito ang soup sa lamesa katabi ng kanyang kama upang kapag nagising ang binata ay makakain ito. Naisip nitong magluto ng soup dahil kailangan nitong bumawi ng lakas. Nang tignan niya ang orasan ay nagbalik na ito sa kanyang silid upang makapag-ayos dahil kailangan na niyang pumasok sa eskwelahan.
"Get well soon, Mister Snobbish." sambit ni Maya sa kanyang sarili habang nakatingin kay Kevin at pagkatapos ay lumabas na ito ng kanyang silid.
Matapos naman ang ilang oras ay nagising na rin si Kevin. Nakita nitong wala na sa tabi niya si Maya. Nakita naman nitong may soup sa kanyang lamesa. Dahil sa gutom ay mabilis nitong kinuha ang nasabing soup at kinain. Dahil nakakaramdam pa rin ng gutom ay nagtungo ito sa kusina upang tignan kung may pagkain pa rin. Nakita nitong may iniwang note si Maya na nakadikit sa ref.
"Magpagaling po kayo. Kapag nagutom kayo, kainin ninyo na lamang ang pagkaing niluto ko na nilagay sa loob ng ref." ang sabi ni Maya sa kanyang note.
BINABASA MO ANG
Stuck with Mr Snobbish
RomanceAminado naman ang bading na si Maya na attracted na siya noong una pa lamang silang magkita ng gwapo ngunit supladong binata na si Kevin. Ngunit gugulo ang mundo niya nang mapilitan siyang makasama ang binata sa iisang bahay dahil sa isang hindi mai...