Mula sa shower room, nagsuot lamang ng boxer short si Kevin at pagkatapos ay derechong nahiga sa kanyang kama.
Pagkahiga ay naisip agad nito ang mga sinabi sa kanya ni Raphael noong araw na iyon.
"Why would he think na sasaktan ko lang si Maya?" tanong pa nito sa kanyang sarili. "Does it really mean na nahuhulog na ang loob sa akin ni Maya?" sabi pa nito.
Naisip din bigla nito kung bakit ganon na lamang kung protektahan ni Raphael si Maya.
"Isn't he being exaggerated of being Maya's friend?" tanong pa ni Kevin sa kanyang sarili. "Not unless may something between them." dagdag pa nito.
Nakaramdam bigla ng pagkainis si Kevin kay Raphael dahil naisip rin nitong may karapatan din siyang maging kaibigan si Maya ngayon pang nakilala niya kung gaano kabait ang taong ito.
"I have to show him na pwede rin kaming maging close tulad nila." sabi pa nito sa kanyang sarili at nakaisip na paraan kung paano gagawin iyon.
Ilang saglit pa ay nakatulog na rin ito na halos walang saplot sa katawan.
Kinabukasan ay bumangon si Kevin mula sa kanyang kama nang magising ito. Dahil walang pasok ay hindi ito nagmadaling kumilos. Nagtungo ito sa kanyang cabinet upang kumuha ng t-shirt na maisusuot dahil boxer lamang ang suot nito.
Ilang saglit pa ay sumilip ito sa labas at nakitang nasa kusina si Maya at nagluluto ng kanilang agahan.
Lumabas ito ng kanyang silid upang puntahan si Maya.
Halos mapatili si Maya sa gulat nang makita siya nito.
"Ay! Ano ba yan?!" sambit ni Maya nang makita si Kevin na naka t-shirt at boxers lamang.
"Bakit?" tanong ni Kevin.
"Bakit yan lang ang suot mo?" tanong pa ni Maya at pilit iniiwas ang tingin sa binata sa hiya. "Magsuot ka naman ng kahit anong pambaba." saway pa nito.
"Eh ano naman? Komportable kasi ito suotin at saka dito lang naman ako dahil walang pasok." sagot nito.
"Oh sya, maupo ka na diyan dahil halos matatapos ko na rin lutuin ito." wika ni Maya.
"Ano bang niluto mo ngayon?" tanong ni Kevin.
"Pinagluto kita ng corned beef. " sagot ni Maya at pagkatapos ay inihain nito ang nasabing pagkain kay Kevin.
Ilang saglit pa ay nagsalang ng bagong lulutuin si Maya at nangibabaw ang amoy nito sa buong condo unit.
"Ano yang mabahong iyan?" tanong ni Kevin nang maamoy ito.
"Sorry!" ang nasambit ni Maya dahil hindi akalain na kakalat ang amoy nito. "Itotodo ko na lang yung exhaust fan para mawala agad ang amoy." patuloy pa nito.
"Ano ba yan?" tanong pa ulit ni Kevin.
"Na-miss ko na kasi kumain ng tuyo." sagot ni Maya. "Kaya nang makita ko ito sa grocery eh kumuha agad ako. Ito kasi yung madalas kong agahan noong nasa probinsya pa ako."
"Pwede ko ba tikman yan?" tanong pa ni Kevin.
"Sure ka?" tanong naman ni Maya dahil alam niyang hindi pa kumakain ito ng nasabing pagkain.
"Oo naman." sagot ni Kevin.
"Akala ko kasi hindi ka kumakain ng mga pagkain naming mahihirap." wika naman ni Maya.
"Sobra ka naman." sabi ni Kevin.
"Sige, magluluto ako ng extra para sa'yo. Pero huwag mong pilitin kung hindi mo gusto ang lasa." wika naman ni Maya.
BINABASA MO ANG
Stuck with Mr Snobbish
RomanceAminado naman ang bading na si Maya na attracted na siya noong una pa lamang silang magkita ng gwapo ngunit supladong binata na si Kevin. Ngunit gugulo ang mundo niya nang mapilitan siyang makasama ang binata sa iisang bahay dahil sa isang hindi mai...