CHAPTER ONE

26.6K 344 12
                                    

ISANG kuntentong ngiti ang gumuhit sa labi ni Jenna habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa full length mirror na nasa kanyang harapan. She looked perfect wearing her wedding dress. There were Swarovski crystals flaunting in her gown plus it vividly shows her curves. It was exclusively designed by her friend Vera who is a well known fashion designer in Europe.

"Are you ready? Your groom is waiting." Nakangiting wika ng kanyang maid of honor na si Anne. Ito ang kanyang bestfriend mula pa noong nagtransfer siya ng college sa Connecticut. Agad silang nagkasundo dahil sila lang ang Pilipina na magkaklase nang kumuha sila ng kanilang degree sa Fine Arts sa Yale University sa New Haven.

"I've been waiting for this day!" she bursted out with excitement. Halatang kinikilig. Bakit hindi siya kikiligin? Ikakasal siya sa isang sikat na car racer at napakaguwapo pa. Nagkakilala sila sa isang family gathering at doon na ito nagsimulang magparamdam sa kanya. Nagustuhan naman niya ito dahil sobrang gentleman, maalalahanin at hindi ito nagreklamo sa kanyang pagiging spoiled brat. Higit sa lahat ay kasundo ito ng kanyang mga magulang. Para sa katulad niyang unica hija ay mahirap makahanap ng lalaking papasa sa panlasa ng mga ito.

Nang makarating siya sa simbahan ng San Antonio de Padua, maingat siyang bumaba sa kayang bridal car at awtomatiko ang ngiti sa kanyang mga labi habang hawak ang kanyang bouquet. Nakaalalay sa kanyang likuran si Anne at hawak nito ang laylayan ng kanyang traje de boda. Agad na hinanap ng kanyang mata si Nick--- ang kanyang groom. Baka nasa loob na ito ng simbahan at naghihintay na sa kanya.

Natigilan siya sa paghakbang dahil nahagip ng kanyang mata ang nag-aalalang mukha ng kanyang mga magulang. Nakatayo ang mga ito malapit sa may pinto.

Agad na lumapit sa kanya ang ina bago pa niya naihakbang ang mga paa.

"Nick is not yet here." nag-aalalang wika nito.

"What's going on? Where is Nick?" naguguluhang tanong niya. Muli niyang inilinga ang paningin sa paligid. Halos lahat ng mga bisita ay naroon na.

"Baka nalate lang, hija. Don't worry he'll be here in few minutes." Mahinahong wika ng kanyang ina. Pinipilit nitong maging pormal bagama't halata sa mukha nito na hindi rin ito mapanatag.

"Nick doesn't have a habit of coming late." Agad niyang kinuha sa sasakyan ang kanyang cellphone at tinawagan ang lalaki. Baka kung napano na ito sa daan. What if he met a car accident? Paano na ang kasal nila?

Nakailang tawag na siya ngunit walang sumasagot. Lalo lang nadagdagan ang kanyang pag-aalala.

"Hija, can we talk?" may pag-aalinlangang wika ng ina ni Nick nang makalapit sa kanya. Tila hindi ito mapakali. Bakas ang nerbyos sa mukha nito.

"Yes tita, what happened to Nick? Bakit hanggang ngayon wala pa siya?"

"I don't know how to say this, but Nick just called and... he said he's not coming." Halos pabulong na wika ng ginang. Bumuka ang bibig niya pero walang katagang lumabas. She stared at her in disbelief. Ilang segundo siyang napakurap bago pumasok sa kanyang isip ang mga katagang binitawan nito.

"But why?" pakiramdam niya ay nagbibiro lang ang Mother-in-law to be niya. Bakit naman hindi makakarating ang groom niya? It's their wedding day for crying out loud!

"I'm so sorry hija. Hindi ko alam na magagawa ito ng anak ko." Hinawakan nito ang kanyang balikat. Huminga siya ng malalim at mariing umiling.

"This can't be happening to me." Naghangilid ang luha sa kanyang mga mata. Inilibot niya niya ang paningin sa buong paligid. Puno ng simpatya ang nasa mukha ng mga bisitang naroroon. Mabilis siyang pumasok sa bridal car at tuluyan ng nanlabo ang kanyang paningin. Wala sa loob na hinila niya ang kanyang mahabang gown dahilan upang mabitawan iyon ni Anne.

Adam's Verdict PHR (COMPLETE)Where stories live. Discover now