CHAPTER TWO

12.7K 271 26
                                    


CHAPTER TWO

PARANG kahapon lang na bumalik ang lahat ng alaala ni Adam kay Jenna. She was a nasty sixteen-year-old then at una pa lang niyang nakita si Adam ay nagka-crush na siya rito. He was a hot twenty-four year old professor in Political Science. He was intelligent at hindi niya iyon pinagdudahan dahil kapag nasa klase siya nito halos siya lang ang may bibig at tanong ng tanong ng kahit ano rito. He never failed to give her the precise answers for all the arguments...

"What is Science?" tanong ni Adam nang magsimula na ito ng kanilang discussion para sa araw na iyon.

"Me, call me!" agad siyang nagtaas ng kamay. Nagkunot ito ng noo at hindi siya pinansin. Wala namang ibang gustong sumagot sa kanyang mga kaklase. Halatang hindi ang mga ito interesado sa subject na iyon.

"Anyone?" inilinga pa nito ang mata sa buong classroom.

"I know the answer!" malakas na wika niya. Nakita niya ang bahagyang pagtangis ng bagang ng lalaki.

"Yes, Miss Sanvictores?" tila napilitan itong tawagin siya.

"Science is a systematized body of knowledge base on facts and human experiences." She gave him a wink and she confidently smiled at him. Tumango naman ang lalaki at ipinagpatuloy ang discussion nito.

Natapos ang buong klase na halos siya lang yata ang nagpaparticipate sa recitation. She can't blame herself for knowing all the answers. She loves reading dahil may malaking library sa kanilang bahay.

Nagsilabasan na ang kanyang mga kaklase ngunit nagpaiwan siya. Agad siyang lumapit kay Adam nang makitang paalis na rin ito.

"Excuse me," pinapungay niya ang mata.

"Is there any problem?" kunot-noong tanong nito.

"How about a snack later? You don't have a class after this right? Don't worry, it's my treat." She smiled wickedly. No one can resist her charms.

Dahil isa ang daddy niya sa may-ari ng paaralang iyon, hindi siya nahirapang makuha ang schedule ni Adam.

"Did I hear it right?" muli nitong inilapag sa mesa ang ilang gamit na dala nito, "You're really a spoiled brat. Don't play games with me." May warning sa tono ng pananalita nito.

"Oh c'mon Adam, it's just a snack!" she rolled her eyes heavenward, "I won't take no for an answer." Hinawakan niya ito sa siko at agad na binaklas iyon ng lalaki.

"I don't have time with you and stop flirting with me you little slut!" mariing wika nito sabay kuha ng gamit at tuluyang umalis. Naiwang nanlalaki ang mata si Jenna sa narinig. Hindi siya agad nakahuma. Tinawag siya nitong 'slut'! Nanliit ang kanyang mata habang tinitingnan ang papalayong lalaki. Harap-harapan siya nitong ininsulto. Hindi ba ito natatakot na mawalan ito ng trabaho kung sakaling magsumbong siya sa kanyang daddy sa ginawa nito?

NAPANGITI si Adam habang tahimik na nagmamaneho ng sasakyan pauwi. Hindi niya lubos akalain na muling magkukrus ang landas nila ni Jenna. The little spoiled brat he used to adore eight years ago. And babaeng muntik ng sumira ng buhay niya dahil sa mga kalokohang ginawa nito sa kanya. Isa marahil siya sa naging biktima ng matinding kakulitan nito. She never called him 'Sir' back then. Just Adam, na para bang magkalevel lang sila...

"Hello Adam!" ang nakangiting mukha ni Jenna ang sumalubong sa kanya.

Inis na isinara ng binata ang binabasang Revised Penal Code dahil biglang umupo sa upuan na nasa kanyang tabi si Jenna. Ano na naman ang ginagawa ng babaeng ito sa loob ng Law library?

Adam's Verdict PHR (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon