CHAPTER SEVEN

9K 182 5
                                    


CHAPTER SEVEN

TULOY-TULOY siyang pumasok sa malaking bahay at agad na hinanap niya ang kanyang ama.

"Daddy!" malakas na sigaw niya. Kumatok siya sa master's bedroom ngunit walang sumagot.

"Senorita, umalis po ang mga magulang niyo." anang kanilang mayordoma. Halatang nagulat ito sa nakitang ayos niya ngunit hindi ito nagkomento.

"Saan daw pumunta?"

"Wala naman pong nabanggit. Mukhang may pupuntahang gathering kaya baka mamaya pa sila umuwi."

"Maghihintay ako." Bumaba siya ng hagdan at naupo sa living room.

Mahigit dalawang oras siyang naghintay bago dumating ang mga ito. Nagulat ang mga ito ng makita siya.

"Jenna? What are you doing here at this ungodly hour?" anang kanyang ina.

"I need to talk to dad." Malamig na saad niya.

"May problema ba hija?" nagtatakang wika ng kanyang ama.

"Is it true dad? That you forced Nick to marry me in exchanged to their properties?" deretsong tanong niya. Biglang nanlaki ang mata ng kanyang ina.

"Nick told you that? Maganda ang intensyon ko Jenna. Umaasa akong mahuhulog ang loob ninyo sa isa't-isa."

"So it's true. How could you do this to me dad? Am I that worthless to you? Alam mong masasaktan ako sa ginawa mo!"

"Hindi ko naman akalaing hindi siya tutupad sa usapan."

Mariin siyang umiling. "I can't believe you're the reason why this is happening to me. I hate you!" galit niyang wika.

"Watch your mouth Jenna. Alam kong nagkamali ako, at alam mo rin na ang masaktan ka ang pinakahuling gagawin ko. I'm sorry okay?"

"No dad, tama na ang pagmamanipula mo sa buhay ko. Siguro nga lumaki ako ng ganito dahil hindi mo ako nadisiplina ng maayos."

"At anong pinagmamalaki mo? Hindi mo naman kakayaning mabuhay ng hindi maranghiya."

"Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin? That I can't live on my own? From now on, wala na akong hihingin ng kahit ano mula sainyo." Galit siyang nagmartsa palabas at tinungo ang sariling sasakyan.

"Jenna, wait!" tawag ng kanyang ina. Hindi na niya ito pinansin bagkus ay mabilis niyang pinaharurot ang kotse.

Madaling araw na at hindi niya alam kung saan pupunta. Kung uuwi siya sa kayang condo unit ay tiyak na mas lalong malulungkot siya. Namalayan na lang niya ang sariling nakatayo sa isang may kalakihang bahay na minsan na niyang napuntahan. Atubili siyang nagdoorbell.

NAGTATAKANG lumapit si Adam sa kanyang pinto. Sino naman ang matinong tao ang pupunta sa kanya ng ganoong oras. Nagkataong gising pa siya dahil may nirereview siyang kaso.

"Jenna? What are you doing here?" nagulat siya sa nakitang hitsura nito. Umiiyak ito at magulo ang buhok.

"I'm sorry." Apologetic ang mukha ng dalaga parang nag-aalangan ito.

"Come in, what happened to you? Bakit ganyan ang hitsura mo?" inalalayan niya itong makapasok dahil parang wala ito sa sarili, "May masama bang nangyari saiyo?"

Mariin itong umiling. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. I just learned that my dad planned everything." Mahinang usal nito.

"Take it easy. I'll get you some water." Pumunta siya sa kusina at kumuha ng malamig na tubig sa water dispenser, "Here, drink this."

Adam's Verdict PHR (COMPLETE)Where stories live. Discover now