CHAPTER EIGHT

9.5K 189 8
                                    


CHAPTER EIGHT

"MAHILIG sa ba sa adventures Jenna?" tanong ni Adam nang matapos silang kumain ng agahan kinabukasan.

"Slight, why?"

"You want to on trekking at Mount Isarog?" suhestiyon nito.

"Oh my gosh, why not? I love nature. Kailan tayo aalis?" bigla siyang nasabik sa ideyang aakyat sila ng bundok.

"Now na, para makabalik tayo agad ng maaga." Napapailing si Adam, "Magdala ka din ng damit pampaligo."

"Oh that, wala akong dalang swimsuit!" parang biglang namrublema ang dalaga.

"Who said na magbibilad ka ng katawan mo? Probinsiya ito Jenna kaya kung ako saiyo magdala ka lang ng spare clothes."

"Yes boss."

Isang katamtamang backpack lang ang dala ni Adam. Naroon na ang dalang gamit nila. Niyaya nila si Tita Edna kaya lang obvious naman gusto sila nitong mapag-isa. Madalas sila nitong tudyuin na tinatawanan na lang nila.

Ipinark nila ang sasakyan sa isang tindahan. Matarik ang sementadong daan patungo sa starting point. Doon pa lang napakaganda na ng tanawin. Halos kita na ang buong syudad.

"Ang ganda pala talaga dito Adam!"

"Wait and see. Hindi pa nga tayo nagsisimula, are you ready?"

"Ready na! Let's go."

Nauna itong maglakad at pumasok sila sa isang masukal na daan. Nauna itong naglalakad at tahimik lang siyang nakasunod sa likuran nito. Pakiramdam niya ay nasa setting siya ng pelikulang Journey to the center of the earth. Matarik ang daanan at dumaan din sila sa makipot sa daan sa gitna ng malawak na maisan. May maliliit na sapa rin silang dinaanan at sa unahan niyon ay malalaking bato na natuyuan na ng tubig. Napakarami ding mga ligaw na bulaklak sa paligid at malakas ang huni ng mga ibon.

"Sabihin mo lang kung pagod ka na at magpapahinga muna tayo."

"No, I'm fine. Excited na akong makita ang hangganan ng trekking natin."

"Are you sure?" naninigurong tanong nito.

"Of course, kayang-kaya ko to."

"Alright."

Mahigit tatlumpong minuto pa ang lumipas nang may marinig siyang malakas na lagaslas ng tubig. Unti-unting tumambad sa kanyang harapan ang isang malaking talon at mangasul-ngasul na tubig.

"This is life!" inunahan niya ito sa paglalakad at dali-dali siyang bumaba sa matarik na daan.

"Hey, easy. Baka madulas ka!" nag-aalalang tanong nito.

Hindi niya ito pinakinggan bagkus ay nagtuloy-tuloy siya sa ibaba. Napapalibutan ang paligid ng mga naglalakihang bato at mga punong kahoy na tantiya niya ay ilang daang taon na ang tanda.

"Maligo tayo bilis!" yaya ni Jenna sa binata.

"You're crazy, magpahinga muna tayo." Napapailing na wika nito habang hinuhubad ang back pack na dala nito.

Kapwa sila naupo sa ibabaw ng malaking bato upang magpahinga. Inilabas nito ang dalawang tupperwares na may lamang pagkain.

"Diyan ka lang, maghahanap lang ako ng dahon ng saging."

"Aanhin mo naman ang dahon ng saging?" kunot noong tanong ng dalaga.

"Doon tayo kakain." Tipid na sagot ng binata.

Adam's Verdict PHR (COMPLETE)Where stories live. Discover now