CHAPTER THREE

8.9K 176 0
                                    


CHAPTER THREE

DESIDIDO si Jenna na makausap si Adam kaya agad niyang tinungo ang opisina nito kinahapunan. Mula kasi nang huli silang magkita ay hindi na niya ito nakausap. Marahil ay inisip nitong kumuha na siya ng bagong abogado kaya hindi na ito nagparamdam sa kanya.

"What a pleasant surprise Miss Sanvictores!" salubong sa kanya ni Adam bagama't wala naman sa mukha nito ang pagkagulat.

"I decided not to get a new lawyer. Besides, what are friends for kung hindi mo ako matutulungan di ba?" anang dalaga na nakaangat ang isang kilay. Deretso siyang naupo sa upuan sa harapan ng mesa nito.

"Who told you that we are friends? If I remember it right, we are not even close." Lumalim ang gitla sa noo ng binata.

"Oh c'mon Adam, akala mo lang iyan." Ngumiti si Jenna na ikinailing ni Adam.

"Pareho pa rin ang sasabihin ko saiyo. You can claim for the damages but you can never put him in jail."

"What if I demand for a hundred million?"

"Kung ganyan kalaki ang naigastos mo sa kasal ninyo why not? But let me remind you that you just can't demand for any unreasonable damages. Ang korte pa rin ang magdedesisyon tungkol diyan."

"I see, what other options I have?" napatango-tango ang dalaga.

"Your other option is to let him go, forgive and forget him. The end! That way you can spare your family into another scandal," Bahagya itong umiling, "What else new? Mukhang sanay ka naman sa iskandalo."

Tiningnan niya ito ng masama. Hindi niya pinansin ang pasaring nito at sinikap na maging pormal sa harap nito. "It's not that easy. I feel humiliated on day of my wedding!" napukpok niya ang mesa nito.

"You haven't changed a bit. You are still the same spoiled brat that I knew eight years ago, grow up!"

"I did. I just want to lift up my pride. Napahiya ang pamilya ko at nasaktan ako. Sa tingin mo ba madali kong mapapalampas iyon?"

"Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo kaya nga binibigyan kita ng mga options. It's for you to decide. But please, do it in a mature way."

"I think it's better if I kill him myself." Naikuyom niya ang kamao.

"Do it. And you will spend the rest of your life in jail. Maganda yang option na naisip mo." He said with sarcasm.

Nagtangis ang mga bagang ng dalaga. Adam was playing with her emotions. "I'll definitely do that. At pagkatapos ay ikaw ang isusunod ko!" padabog siyang tumayo.

Adam giggled. "Really? Well, hintayin ko yan miss Sanvictores. This is my business card, just call me." Inilatag nito ang kapirasong card sa mesa nito na agad naman niyang kinuha.

"Wait and see!" mabilis siyang tumalikod at lumabas sa opisina nito.

Naiwang naiiling si Adam. Sumungaw ang isang makahulugang ngiti sa labi nito nang tuluyan ng nakalabas ng opisina ang dalaga. Those were the same words he heard from her mouth nang minsan siya nitong pagbantaan...

PABABA siya ng kanyang motorsiklo nang salubungin siya ng galit na dalagita. Hindi niya ito pinansin at tahimik lang siyang naglakad patungo sa kanyang klase. Tapos na ang finals sa subject niya at naibigay na niya ang marka nito. Marahil ay may ideya na siya kung bakit nagagalit ito.

"Hey! Talk to me." Nakabuntot ito sa kanyang likuran.

"If you don't mind, malelate na ako sa klase ko." Binilisan niya ang paghakbang.

Adam's Verdict PHR (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon