CHAPTER SIX

8.5K 175 4
                                    

CHAPTER SIX

ILANG araw ang lumipas sinikap ni Jenna na maging maayos ang takbo ng buhay niya. Masaya naman siya kahit paano dahil madali na niyang matapos ang ginagawang masterpiece. Hindi rin niya makausap si Anne dahil umalis ito papuntang Italy dahil may dadaluhang exhibit doon.

Nagdesisyon siyang lumabas muna ng condo at maglibot sa malapit na mall. She had a habit of going shopping everytime she was feeling alone. She needs to take a break after all. Napaadaan siya sa kids section ng mall at isang tao ang hindi niya inaasahang makikita.

"Jenna-chan!" tawag nito sa kanya. May kalong itong isang cute na batang lalaki na tantiya niya ay dalawang taong gulang pa lang.

"Yuruichi? Oh my gosh, long time no see! Anak mo na ba yan?" lumapit siya rito. Sandali nitong ibinaba ang bata at yumakap sa kanya.

"Yes, how are you? Ang ganda mo pa rin." Muli nitong kinarga ang bata.

"Thanks. What's his name?" pinisil niya ang matambok na pisngi ng bata.

"Kenichi. By the way are you married? Kakauwi ko lang kasi ngayon dito sa Pilipinas. I marry a Japanese girl."

"I'm unfortunate in terms of love life. My groom jilted me on our wedding day." She slightly raised her shoulders. Ngayon ay nasasanay na siyang sabihin ang mga nangyari sa kanya nang hindi na siya masyadong naaapektuhan.

"Oh, I'm sorry to hear that. I thought magkakatuluyan kayo ni Adam." Natatawang wika nito.

Namilog ang mata niya. "You know that's impossible Ichi, masyado pa akong bata noon."

"Come on, I'll treat you for lunch. Mukhang marami tayong dapat pag-usapan." Natutuwang wika ni Ichi.

Tinungo nila ang isang Japanese restaurant at agad na nag-order ng pagkain.

"Balitaan mo naman ako kung anong nangyari saiyo nang bigla ka na lang nawala matapos ang gulong nangyari noon?" curious nitong tanong.

"Well, I was forced to transfer at ipinatapon ako ng daddy sa Amerika para doon na mag-aral. Hindi ko na pinagpatuloy ang architecture, kumuha na lang ako ng fine arts sa Yale University."

"Kaya naman pala hindi na tayo nagkita pa. Don't worry, I gave the letter to Adam." He winked at her.

"Ah, yeah, the letter." Bahagya siyang natawa, "Huwag na nating pag-usapan ang mga nangyari tutal matagal na panahon na iyon."

"Correct." Ngumiti ito at sinubuan ng sashimi ang anak nito.

"Ang cute ng anak mo." Hindi niya maiwasan na humanga rito. Kung gaano ito kapasaway noong kabataan nito, ngayon kitang-kita na isa itong mabuting ama sa anak nito.

"Natural kanino pa ba magmamana?" pagyayabang nito.

"Yeah, kanino pa ba kundi sa mommy niya di ba?" pang-aasar niya. Kapwa sila nagtawanan.

Marami pa silang napagkuwentuhan hanggang matapos silang kumain. Mabuti na lang pala at lumabas siya.

Kapwa sila natigilan nang may lumapit na lalaki sa kanila.

'Not again.' Lihim siyang nagbuntong hininga.

"I'm sorry to disturb you. Jenna, this is urgent. Meet me up tonight sa dating restaurant na madalas nating puntahan. May sasabihin ako saiyo." Madilim ang mukhang ng lalaki.

"What the hell are you doing here Nick, sinusundan mo ba ako?" inis na saad ng dalaga. Tahimik lang na nagmamasaid si Ichi at nakikiramdam.

"Sinundan kita mula sa condo mo. Look, importante ang sasabihin ko saiyo."

Adam's Verdict PHR (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon